^

Para Malibang

Salawahan na Nobyo

IDAING MO KAY VANESSA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Melody, nakipag-break yung boyfriend ko nang malaman kong nagkikita sila ng kapitbahay namin sa motel. Nahuli ko kasi sa phone niya na may nag-text ang sabi pa nga ay magkita sila bukas ng gabi. Ang paalam naman sa akin ng mokong kong BF ay may outing daw sila sa opisina. Nung gabing nabasa ko ‘yon hiniwalayan ko siya. Dalawang buwan na ang nakalipas bigla na naman siyang nagparamdam at gustong makipagbalikan. Pinupuntahan pa ako sa bahay namin. Nakakainis dahil nagpapakitang tao siya sa magulang ko. Ayaw niya kong tantanan ano po ang dapat kong gawin? – MeAnn

Dear MeAnn,

Nakalaya ka na sa iyong nobyo. Huwag mong hayaan na mabilog niya ang ulo mo. Kung nagawa niyang lokohin ka minsan, malamang ay mauulit ito kapag nagkabalikan kayong dalawa. Kausapin mo siya nang harapan at totohanan kung talagang ayaw mo nang magkaroon pa uli kayo ng relasyon. Bagkus ay mag-ingat sa susunod mong nobyo at maghintay ng tamang lalaking magiging tapat sa iyo.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment

SALAWAHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with