^

Para Malibang

Aswang Territory (159)

ASWANG TERRITORY - Pang-masa

BUMUNGISNGIS si Avia kay Armani na aswang na masamang lahi ang itsura.“Eh, bakit ba? Basta gusto ko lang magpaka-old fashion na aswang. Magpapahid ng aming langis at …”

Napatanga ang invisible na si Draz. “Old fashion na?”

Sa isang iglap, nag-transform si Avia. Ang bilis. Nahati agad ang katawan at nagkaroon ng mga malalaki at maiitim na pakpak.

“…ASWANG?!” Napalakas ang pagsalita ni Draz dahil sa pagkabigla.

Natigilan tuloy sina Avia at Armani, napa­lingon sa direksiyon na kinaroroonan ni Draz na hindi pa rin nakikita.

“Sino ‘yan? May tao ba diyan?” Naalerto agad si Armani.

Matalas na ang mga pang-amoy nila, tulad ng kanilang mga paningin.

“Wala naman akong nakikita, Avia. Kahit sobrang linaw ang mga mata ko.”

“Ako rin, Armani. Pero … may naaamoy akong mamahaling cologne ng isang lalaki!”

“Ha? Baka iyon din ang naaamoy ko! Cologne nga! Panlalaki! Noong birthday ko, naalala mo, two years ago, ang ganyang cologne ang niregalo mo sa akin!”

“Oo nga, Armani. I also remember that! At kung iyan ang naaamoy natin, ibig sabihin ang nangahas pumasok dito sa ating compound ay isang class na lalaki na kayang bumili ng napakamamahaling cologne na ‘yon!”

“Si Draz lang ang naisip ko, Avia! I’m sure inii-stalk ka niya kaya nandito siya sa hardin kanina. Naamoy natin pero nakatakas na siya. Kaya wala na siya, hindi ko na makita.”

“Pero nakita kaya niya tayo nang maging aswang tayo?”

“Malamang. Natakot siguro kaya umalis kaagad. Hayaan mo na lang. Baka uuwi na ‘yon sa Maynila at hindi na tutuntong sa lugar na ito dahil sa nerbiyos.”

Gigil na gigil naman si Draz, walang nababago sa pagtingin niya kay Avia kahit aswang pa ito.

“Mahal pa rin kita, Avia! Kaya ililigtas kita! I’m sure kapag natingnan ka ng Doctor-Scientist na kaibigan ko sa Hong Kong, magagamot niya ‘yang pagka-aswang mo. It’s just a matter of finding the right cure for that. At marami nang modern scientific answers sa mga lumang problemang tulad niyang pagka-aswang mo.”

May naisip si Draz. Kukunan niya ng kahit isang hiblang buhok si Avia. Para maipatingin niya ang specimen na ito sa doctor-scientist nila sa Hong Kong.  - ITUTULOY

vuukle comment

SECRETARY RAMON PAJE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with