^

Para Malibang

Island of the undead 29

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

DINIG nina Miley at Blizzard ang utos ni Reyna Coreana kina Bangekngek, Tibombong at Korikongkong, at nagtataka sila.

Tama ba ang kanilang narinig na utos ng reynang super-pangit?

“Sasakay kayong tatlo sa karuwaheng lumilipad. Hihilahin kayo sa himpapawid ng kabayong may mga pakpak!”

Excited na sumakay na sa kuruwahe ang tatlong Undead. Si Bangekngek ang may-hawak sa renda.

“Teka-teka! Mali ang damit ninyong tatlo! Magkakabangungot ang sinumang makakakita sa inyo sa lunsod!”

Nakikinig lang sa usapan sina Miley at Blizzard. Nakikita nila ang karuwaheng  nakarenda sa kabayong may mga pakpak.

Daig pa nila ang nakakita ng tunay na magic!

“Magsusuot ka­yong tatlo ng ibang damit!  ‘Yung tipong mayaman!”

Sa isang kumpas ng reyna ay nag-iba ang suot nina Bangekngek, Kurikongkong at Tibombong.

Mga naka-signature clothes na ang tatlong Undead. Si Bangekngek ay naka-Vida Doria. Sina Tibombong at Kurikongkong ay parehong mga nakasuot-Rusty Lopez at Armani.

“Ang problema na lang, kung paano maitatago sa publiko ang kapangitan ng mga mukha ninyong tatlo!

“Pero,sige, bahala na. Bago siguro ninyo sapitin ang lunsod, nakaisip na ako ng paraaan!

“Ang inyong misyon, dalhan ako ng mag-asawang plastic surgeons.

“Yung mga dalubhasa, hindi bagong graduates.  At dahil sabi ko’y mag-asawa, ibig sabihi’y isang babae at isang lalake!

“Malinaw ba, Bangekngek, Tibombong at Kurikongkong?”

Saglit pa’y lumipad nang pahimpapawid ang karuwahe. Si Bangekngek ang may-hawak sa renda

Sina Tibombong at Kurikongkong ay parang mga don na nakaupo sa likuran.

Sarap na sarap sa pagtahak sa himpapawid ang tatlong Undead.

“Kitang-kita natin ang kalupaan at karagatan!” nakangising sabi ni Bangekngek.  (ITUTULOY)

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BANGEKNGEK

KURIKONGKONG

MGA

MILEY

REYNA COREANA

RUSTY LOPEZ

SI BANGEKNGEK

SINA TIBOMBONG

TIBOMBONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with