^

Para Malibang

Nabuntis ng family driver

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang Agnes, 24 at isang kasambahay. Nagkaroon ako ng relasyon sa family driver ng aking amo. Kapag natutulog ang lahat sa bahay pinupuntahan niya ako sa kuwarto ko. Noong una ay ayaw ko. Pero sa kapipilit niya, hindi na ako nakatanggi. Kasi mahal ko naman siya. Halos gabi-gabi ay magkatabi kaming matulog. Hanggang sa mabuntis ako. Nang ipagtapat ko sa kanya para wala lang sa kanya. Mula noon ay iniiwasan na niya ako. Nung 4 months na ang tiyan ko, nahalata ng amo ko at kinausap ako. Nagtapat ako sa kanya. Kinompronta siya ng amo ko pero itinanggi niya. Hindi naman naniniwala sa kanya ang amo ko at sinabihang panagutan niya ang dinadala ko. Hindi lang siya kumibo. Lumipas ang ilang araw ay bigla na lang siyang nawalang parang bula. Ngayon po sabi ng amo ko, kung papayag ako aampunin nila ang magiging anak ko. Naguguluhan ako kung papayag ako sa alok nila. Hindi rin kasi alam ng pamilya ko sa Masbate ang nangyari sa akin at natatakot ako na gulpihin nila ako. Ano ang gagawin ko?

Dear Agnes,

Masakit mawalay sa iyong sariling laman at dugo. Pero kung iisipin mo ang magandang kinabukasang tatamuhin ng isisilang mong anak, marahil ay magiging handa kang magsakripisyo. Iyan naman ay kung nais mong umiwas sa kahihiyan at galit ng iyong mga kaanak. Pero kung handa mong harapin ang bunga ng iyong pagkakamali, pasanin mo ang responsibilidad ng pagiging ina. Higit na dakila iyan. Sana’y may gintong aral kang mapulot sa iyong karanasan upang hindi na maulit sa susunod na makatagpo ka ng lalaking iibigin.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AGNES

AKO

ANO

DEAR AGNES

DEAR VANEZZA

HANGGANG

HIGIT

ITAGO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with