Para makamtan ang ‘Marriage Luck’
Sa araw ng kasal ay dapat na may nakahandang regalo sa bawat isa ang groom at ang bride. Ang regalo ay dapat nagre-represent ng fire energy. Halimbawa: Red shoes, red dress, red bag, ruby earrings, red pillows para sa bride. Para naman sa groom ay red necktie, red t-shirt, red pajama, etc. Ang regalong may fire element ay nagdudulot ng mainit na pagmamahalan at maligayang pagsasama.
Bukod sa personal na regalo, ang bride ay dapat na bumili ng pamaypay na gawa sa sandalwood. Ito ang ikalawa niyang regalo sa kanyang groom upang mapanatili ang kanyang katapatan sa pag-ibig. Ang sandalwood tree ay matatagpuan sa Pakistan, India, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Australia, Indonesia, Hawaii, at ibang Pacific Islands. Kung mahihirapang makakita ng pamaypay na sandalwood, may nabibiling Feng Shui charm para maiwasan ang pagtataksil – Rooster with Fan Feng Shui key chain. Nabibili ito sa Chinese Feng Shui store sa Ongpin.
- Latest