^

Para Malibang

Bakit may lalaking ‘flirt’?

Pang-masa

Maraming nagtataka bakit  nga ba may mga lalaking “flirt” o masyadong pa-charming sa mga babae, ‘yun mga tipong nagpapa-cute kahit na kaninong babae makakuha lang ng atensiyon. Minsan mas flirt pa nga ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Ayon sa ilang eksperto, karamihan sa mga nagpi-flirt ay mga lalaking mayroon ng karelasyon. Nakakabuti rin minsan sa kalusugan ang gawaing ito dahil nakakaramdam ng kasiyahan  at “satisfaction”. Gayunman, kahit pa may benepisyo ang pagpapa-charming ng mga lalaki kahit pa sila ay “committed” na, ano nga ba ang tunay na dahilan bakit nagpi-flirt ang mga lalaki? Narito ang ilan:

‘Achievement’ – Maituturing na isang pangarap na naabot ang pakiramdam ng isang lalaking nakakapagpatawa ng babae sa pamamagitan ng kanyang pagpi-flirt. Nakakaramdam ng “satisfaction” ang lalaki dahil sa paniniwalang tila nasa ilalim na ng kanyang “spell” ang babae.

Atraksiyon – Kasama na sa DNA ng mga lalaki ang magkaroon ng atraksiyon sa magagandang babae. Kung mapapansin mo, natural na nagpi-flirt ang mga lalaki sa pinakamagandang babae na nakikita nila sa isang grupo. Ito ay dahil ang “law of attraction” ay hindi naman talaga nagmumula sa feelings o emosyon kundi sa unang pagkikita ninyo. Madalas mangyari ito sa mga lalaki kumpara sa mga babae.

‘Fun’ – Karamihan sa mga lalaki, nagpi-flirt dahil lang masaya ito para sa kanya. Nasisiyahan rin ang lalaki kapag nakikita niyang may mga kapwa lalaki siyang naiinggit sa kanya dahil sa talent niyang taglay sa pakikipag-flirt.  Nasisiyahan din ang lalaki kapag alam niyang sikat siya sa grupo ng mga babae.

Walang ‘commitment’ – Karamihan sa mga lalaki ay iniiwasan ang magkaroon ng commitment sa kahit na sinong babae. Kaya ang pakikipag-flirt ang isang paraan upang magkaroon ng babae sa kanyang buhay. Kung ang pakikipagrelasyon ng isang lalaki ay mula sa pakikipag-flirt, hindi niya kailangan mangako ng pagbibigay ng buwan at bituin sa babae, pero nae-enjoy niya pa rin ang naibibigay ng benepisyo ng isang relasyon ng walang “commitment”.

vuukle comment

ATRAKSIYON

AYON

BABAE

FLIRT

KARAMIHAN

LALAKI

NASISIYAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with