^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (62)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

UBOS na ubos si Greg, kinain ni Tatiana ang lahat-lahat sa lalaking nadaig ng tukso.

Naglaho sa mundo si Greg nang walang anumang bakas; without a trace.

Nakikiramdam sa sarili si Tatiana. Siya ba raw ay nabusog?

“Bitin na bitin pa ako, gutom na gutom pa,” bulong niya sa sarili, nagpalinga-linga sa loob ng interrogation room.

Madilim doon, nakababa ang blinds. Tiniyak talaga ni Greg na walang makakakita sa kanilang kahalayan.

Napangiti si Tatiana, ngiting mapakla. “Sabagay, namatay naman sa sarap ang hinayupak. Kahihiyan siya ng pulisya”.

Binuksan niya ang ilaw, itinaas ang blinds. Nakita niya ang ilang tauhan ni Greg na malis-yoso ang ngiti.

Alam pala ng mga ito ang mahalay na bisyo ng pinuno.

BOG-BOG-BOGG.  Hinampas ni Tatiana ng kamay ang salaming nakaharang sa interrogation room.

 “Palabasin n’yo ako rito! Ngayundin!” sigaw ni Tatiana, bakas ang galit sa mukha. “Kundi’y magsisisi kayo!”

Napaigtad ang mga tauhan ni Greg, nagtataka. Paanong nangyaring narinig nila ang sigaw ng babae gayung sound-proof ang interrogation room?

 At bakit naman super-arogante ang babaing suspect? Magsisisi raw sila kapag hindi ito pinalabas agad?

Bahala ang Boss Greg nila dito,  sa loob-loob ng mga tauhan. Si Tatiana ay hindi nila pinansin.

Pero napansin nila na wala sa interrogation room si Greg. Nagtaka sila. Saan na napunta ang pinuno?

Napilitang pumasok ang dalawang tauhan para magsiyasat.

Iyon ang pagkakamali nila. Sabay silang sinunggaban ni Tatiana sa kamay, magkasunod na kinagat sa mukha. Kitsikk. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

ALAM

BAHALA

BINUKSAN

BITIN

BOSS GREG

GREG

HINAMPAS

SI TATIANA

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with