^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (44)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

MANGHA nga si Almario nang makita sa ref ang special food. Kaoorder pa lang niya niyon sa Wa Pak Restaurant and Paluto, one-minute ago.

“Minadyik ko po ‘yan, Daddy Almario.  Para po mabawasan na ang inyong ngitngit sa akin,”  halos maluha-luhang sabi ni Tatiana.

Lumarawan ang duda sa mukha ni Almario. Wala siyang tiwala sa babaing alien.  Alanganin siyang tikman ang pagkain.

“Paano kung merong lason? Ayokong matigok nang wala sa panahon. Ayokong maiwan sa mercy mo ang misis ko, Tatiana!”

Tumingin sa ina si Tatiana, nagpapatulong.

Gets agad ni Sofia. Siya ang agad tumikim sa special food.

Inunang lasahan ang macaroni salad. “Uuummm, yummy.”

Isinunod ang cold pasta Putanesca. “Fantabulous! Nakababaliw sa sarap, Almario, maniwala ka!”

Tumingin kay Tatiana si Almario. Parang pagkabait-bait ng babaing taga ibang planeta.

She looks like an angel sa mga sandaling ito.

A beautiful angel in love. Umiibig daw ito sa inaanak ni Sofia—si Dexter.

“Sofia, titikman ko...”  Pinuno ni Almario ng macaroni ang kutsara. Nilasap ang lasa niyon, kinain hanggang sa huling kagat.

Namilog ang mga mata ni Almario, sa sarap ng natikman.

Ang pasta Putanesca naman ang  isinalang sa taste test. Ninamnam muli ang lasa, sinimot sa kutsara.

“Ah, walang kasing sarap!” diin ni Almario, kita sa anyo ang luwalhati! Para talaga niyang nalasap ang heaven!

Umiral ang pagka-businessman ni Almario. Tinawagan agad ang Wa Pak Restaurant. “Kuwan, cancel na lang pala ‘yung ipinaluluto ko.”

`”No problem po, Sir Almario. Have a good day po! ‘Bye!”

Nalimutan ang personal na galit sa dalagang alien. “Okay ka, Tatiana!”

“Ulul, malapit na kitang kainin!”  sa loob-loob ni Tatiana. (Itutuloy)

 

vuukle comment

ALMARIO

AYOKONG

DADDY ALMARIO

PUTANESCA

SIR ALMARIO

TATIANA

TUMINGIN

WA PAK RESTAURANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with