^

Para Malibang

Hindi kayang magbigay ng ‘second chance’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang Sam, may asawa at 2 anak. Ang problema ko ay tungkol sa aking mister. Hindi ko po kasi alam kung babalik pa ang pagtingin ko sa kanya. Naaktuhan ko sila ng babae niya na nagtatalik sa kuwarto pa namin. Galing ako sa 1-week seminar at napaaga ang uwi na ikinagulat niya. Sinarili ko ang tungkol dito para mapanatli ang katahimikan ng aming tahanan at respeto ng aming mga anak sa kanya. Nagkausap na kami at humingi siya ng second chance. Pero hindi ko na matiyak kung mapagbibigyan ko siya. Sa ngayon ay nag-iipon ako ng pera para sa plano kong pakikipaghiwalay sa kanya at para hindi ako aasa ng suporta para sa aming mga anak. Tama ba ang desisyon ko?

Dear Sam,

May kaselanan ang problema mo. Ang maling hakbang ay maaaring magdulot ng mas malaking epekto sa pamilya at malalim na sugat sa damdamin ng inyong mga anak. May nalalabi ka pa ring pagtingin sa asawa mo dahil isinaalang-alang mo pa rin ang kapakanan ng inyong pamilya. Makakatulong kung ipagtatapat mo sa iyong mga magulang at kapatid ang tungkol dito. Maaari ka nilang mapayuhan. Gayunman, sikapin mo munang maakay sa tama ang iyong mister. Bigyan mo siya ng second chance at mag-usap kayo ng masinsinan para na rin sa inyong mga anak. Nasa sa’yo pa rin ang desisyon sa bandang huli.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

BIGYAN

DEAR SAM

DEAR VANEZZA

GAYUNMAN

ITAGO

MAAARI

MAKAKATULONG

NAAKTUHAN

NAGKAUSAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with