^

Para Malibang

9 ‘Wealth Spot’ sa Mukha

MGA SWERTENG DULOT NG NUMERO - ABH - Pang-masa

1st Wealth Spot

Ang unang wealth spot ay noo. Ang noong mabilog, mataas ang puwesto, malapad at nakaumbok ay indikasyon ng power, wealth and great authority. Panatilihing makinis ang noo (walang tagihawat at iba pang blemishes) upang hindi mabawasan ang suwerteng hatid nito. Ang nunal sa noo ay  nagiging masuwerte lamang kung ito’y nasa sentro ng noo. Kung hindi, pinaniniwalaan ng mga Chinese na malas ang nunal sa noo.

2nd Wealth Spot

Ang pangalawang wealth spot ay matatagpuan sa itaas ng ilong at nasa pagitan ng dalawang mata. Para maging masuwerte, ang nasabing spot ay dapat na walang balahibo, kulay, blemishes o nunal.

3rd Wealth Spot

Ang pangatlong wealth spot ay ilong. Mas mabilog, mas malaman ang ilong at mas malaki, mas maraming suwerte ang hatid nito. Ang butas ng ilong ay hindi dapat na malaki ngunit hindi naman dapat napakaliit. Ang anumang white or black spot sa ilong ay nagiging hadlang sa daloy ng suwerte. Sign of misfortune ang ibig sabihin ng nunal sa tip of the nose.

4th Wealth Spot

Ang pang-apat na wealth spot ay pearl phoenix. Ito ay nasa center ng upper lips at katapat ng tungki ng ilong. Mas masuwerte kung ito’y mabilog at nakaumbok. Kung maganda ang phoenix, magiging tulay patungo sa pagyaman ang husay niya sa pagsasalita. Halimbawa, magaling siyang mangumbinsi para bilhin ang kanyang produkto o mahusay magsalita kaya sisikat at yayaman siya sa pagiging broadcaster o talk show host.(Itutuloy)

vuukle comment

HALIMBAWA

ILONG

ITUTULOY

MAS

PANATILIHING

SPOT

WEALTH

WEALTH SPOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with