^

Para Malibang

‘Beki’ ang mister ko...

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang Nerie, 32, may asawa. Dalawang taon pa lang kaming nakakasal ng mister ko na 28 years old. Noong una’y hindi ako naghinala sa kanyang kasarian. May pagkamahiyain siyang kumilos kaya ko nga siya natipuhan. Inisip ko hindi siya playboy. Kasamahan ko siya sa opisina. Kaya nang niligawan niya ako ay agad ko siyang sinagot dahil naisip kong tumatandang dalaga na ako. Pero nagulat ako sa ipinagtapat niya sa akin kamakailan lang. Isa siyang bakla. Pero pilit daw niyang ino-overcome dahil may takot siya sa Diyos. Nabahala ako sa sinabi niya. Baka dumating ang panahon na matukso siyang pumatol sa lalaki. Ano ang gagawin ko kung mangyari ito?

Dear Nerie,

Huwag kang matakot sa bagay na hindi pa nangyayari. Magpasalamat ka at may takot sa Diyos ang asawa mo. Pagtiwalaan mo siya. Ang kanyang pagtatapat sa iyo ay palatandaan na sinsero ang kanyang kagustuhang magbago. Sa halip ay iparamdam mo sa kanya ang iyong pagmamahal at pang-unawa. Makatutulong ito sa kanyang tuluyang pagbabago.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

ANO

DALAWANG

DEAR NERIE

DEAR VANEZZA

DIYOS

HUWAG

INISIP

ISA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with