^

Para Malibang

‘Black Angel’ (33)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

PAREHONG nakatanaw sa malawak na dagat sina Richard at Wendy. Nagmumuni-muni. Tinab­lan sila ng mga eksenang nakita sa kalangitan.

Naunawaan ni Richard na siya ay napaka-corrupt na tao. Kaydami-dami niyang winawasak na buhay at kinabukasan.

Kapalit siyempre ng pagtutulak niya ng droga ang napakaraming salaping ibinibigay sa kanya ng drug lord. Kaya nga kayang-kaya niyang bigyan si Wendy ng malalaking halaga. Ang pera niya sa banko, na hindi pa nagagalaw, ay nasa 8 million pesos na.

Balewala sa kanya na regaluhan ng condo unit at super-expensive na kotse ang minamahal na kasintahan.

Pero iyon na nga, kapalit ng kinabukasan ng mga kabataang naging addict na sa droga, pati na rin ng iba pang tao na nawasak niya ang buhay.

“Dapat akong barilin sa ulo, Wendy…”

“Stop it, Richard! Ako ma’y sising-sisi na! Hindi ko alam na sa masama mo kinukuha ang ibinibigay sa akin! Para akong linta na ungot nang ungot ng kung anu-anong luho!”

Tumahimik ang binata, sinarili ang pagsisisi.

Si Wendy ay kinukumpronta rin ng kunsensiya. Bakit  ba nabulag siya sa mga materyal na bagay?  Bakit lahat ng luho ay nais niyang matikman?

“Naging manhid ako na walang pakialam sa iba… nakatuon lang ako sa aking sarili at sa aming pamilya, sa mapapala ng parents ko sa mga bigay ni Richard…Hindi ko man lang naisip na posibleng sa masama galing ang perang binibigay sa akin ni Richard…

“Tama, magkatulad kami ng anak ng Pork Barrel Queen. Ibinibigay sa amin ng mga taong corrupt ang lahat naming kapritso…walang pakialam na ang taumbayan ang kanilang binibiktima…”

“Hu-hu-hu-huuu.” Malakas na ring napaha­gulhol si Wendy, sagad sa buto ang sundot ng kunsensiya.

ALAM ng Black Angel ang nagaganap sa dalawang nasa isla. Tingin niya’y abot-kamay na ang pagbabago nina Wendy at Richard.

Pero alam din niyang nanginginig na sa gutom at uhaw ang dalawa, ilang araw nang walang laman ang sikmura.

Hindi nakatiis ang Black Angel, naghulog ng grasya. BLAGG.

“Relief goods!” Mangha sina Richard at Wendy.   (ABANGAN)

 

vuukle comment

BAKIT

BALEWALA

BLACK ANGEL

BRVBAR

PERO

PORK BARREL QUEEN

RICHARD

SI WENDY

WENDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with