Ryzza Mae, takot na takot!

Nagpahayag ng pangamba ang pamilya ni Ryzza Mae Dizon matapos makatanggap ang young actress ng mga email na may banta sa buhay, kasama ang paghingi ng pera at pagbabanta sa kanyang mga mahal sa buhay.
Sa Facebook page na Team Ryzza na pinamamahalaan ng ina niyang si Rizza, pinakita noong Oct. 9 ang screenshots ng mga mensahe. Nagulat sila dahil wala naman silang kaaway o inaargabyadong tao.
Makikita sa screenshots ang emails mula sa account na “NLRC-III” na may address na [email protected]. Hinihingian umano ang pamilya ng ?20,000 para sa operasyon ng anak ng sender, at sinasabing alam nito ang personal na impormasyon nila.
May banta rin na idadamay ang ina ni Ryzza kung hindi matugunan ang hinihingi, at tinukoy na maaari silang sundan sa labas at sa bahay.
Nanawagan ang Team Ryzza na mag-ingat ang lahat. “Sana ‘wag po ganito dahil nakakatakot po makatanggap ng ganitong message at lalo na madalas kami lumabas. Mag iingat po tayong lahat.”
Umani ng pag-aalala mula sa mga netizens ang post, at pinayuhan ang pamilya na mag-ingat sa pagpo-post ng lokasyon at agad na i-report sa awtoridad ang insidente.
Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon kung nai-report na ito sa mga pulis.
Kapuso star Analyn Barro, bold star na
Sa unang pagkakataon, bibida si Analyn Barro sa romantic-comedy movie na He’s Dating a Boldstar kasama si Malupiton.
Inamin ni Analyn na mabigat para sa kanya ang salitang boldstar. Pero giit niya, huwag husgahan agad ang pelikula dahil hindi ito bastos.
“Very, very strong word talaga para sa akin. Kapag sinabi mong boldstar, ‘Uy, bold ‘to. Talagang all-out ‘to. Don’t judge the book by its cover. Hindi naman ito talagang all-out boldstar talaga. Puwede ka rin namang maging sexy na hindi pinapakita ang katawan mo. Funny is the new sexy. Funny is the new boldstar,” sey ni Analyn.
Okay lang sa Kapuso actress ang sexy image basta hindi sobra-sobra.
Produkto si Analyn ng StarStruck 6 kung saan ka-batch niya sina Klea Pineda, Migo Adecer, Elyson de Dios, Faith da Silva, Ivana Alawi, Liezel Lopez, Nikki Co, Dave Borneo, Arra San Agustin, at Faye Lorenzo.
Ilan sa mga shows na ginawa niya ay Bubble Gang, Tsuperhero, My Love From The Star, First Yaya, First Lady, Lilet Matias: Attorney At Law, The Write One, at Never Say Die.
Silas nina Jessica at Justin, nag-showbiz na rin
Sinusundan na ng anak nina Justin Timberlake at Jessica Biel na si Silas ang yapak ng kanyang famous celebrity parents.
Nag-acting debut si Silas sa pamamagitan ng cameo sa bagong pelikula ni Jessica na Matchbox: The Movie.
Sa interview ni Jessica sa E! News: “He plays a small part in the movie at the very end, which is really cute! My 11-year-old is a little bit of both. He’s a DJ, so he’s kind of interested in both lanes. We’re just kind of letting him take his time and see what happens and what he really gets interested in.”
Mapapanood ang Matchbox: The Movie sa Apple TV.Dahil dito, proud na proud si Mika Salamanca sa young actor. “Super proud siya, kasi before ng Urian, nagsasabi ako sa kanya na kinakabahan ako, na hindi ko alam kung ano ang ie-expect ko. Siya ang nagsasabi sa akin na just pray, na whatever happens, okay lang `yon, dahil `yung ma-nominate ka lang, malaking bagay na `yon.
“Kasi noong nagpunta naman ako sa event na `yon, wala akong in-assume, kasi ayoko ring ma-hurt. So, noong tinawag na ang pangalan ko, doon ko lang naramdaman,” pahayag pa ni Will.
At aminado siyang malaki na ang nabago sa buhay niya. “Oo naman po, malaki talaga ang pinagbago ng buhay ko, lalo na itong ilang taon na nakalipas,” sey p ni Will na pangarap na matulungan ang kanyang pamilya. Samantala, isang kuwentong puno ng puso, katatawanan, at mga paksang napapanahon ang ihahatid ng Delivery Boi simula Oktubre 19 sa GMA Network.
Sa kanyang unang lead-role project, bibigyang-buhay ng Sparkle star ng karakter ni Boi, na kumakatawan sa kuwento ng maraming Pilipinong nagsisikap matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Makakasama niya sa inspirational at heartwarming series na ito sina Mikoy Morales, Yasser Marta, Vince Maristela, at Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner Mika Salamanca.
Mas magiging exciting din ang show dahil tampok dito ang mga batikang artista na sina Keempee De Leon, Meryl Soriano, Maricar De Mesa, Gio Alvarez, at Eric Quizon.
Tulad ng maraming Pilipinong nagtatrabaho, araw-araw na hinaharap ni Boi ang iba’t ibang hamon bilang delivery rider para masuportahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Kasabay nito, ginagampanan din niya ang papel ng isa sa mga modernong bayani ngayon na naghahatid ng serbisyo sa kanyang mga customer.
Marami ring natututunan si Boi mula sa mga taong nakikilala niya sa bawat biyahe. Dahil sa positibong pananaw sa buhay at pagiging mapagmahal at mabait sa mga taong nakapaligid sa kanya, hindi niya namamalayan na nababago rin niya ang buhay ng mga ito.
Magkakaroon ito ng world premiere ngayong Oktubre 19 at subaybayan ito mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Network, Kapuso Stream, at GMA Play app. Mapapanood din ito ng mga Global Pinoy sa GMA Pinoy TV.
JoshLia, nagpasalamat!
Umabot na sa P100 million ang kinita ng pelikulang Always Yours, Never Mine ng Star Cinema nitong Linggo (Oktubre 11) habang patuloy itong naghahatid ng kwento ng wagas na pag-ibig sa mga sinehan.
Nagsimulang ipinalabas ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na mula sa direksyon ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Sampana noong Setyembre 30.
“Doon po sa mga nanood ng Always Yours, Never Mine, over a hundred million thanks mula sa puso namin. Maraming, maraming salamat sa inyo,” pagpapasalamat nina Joshua at Julia.
Magkakaroon din ng international screenings ang pelikula sa UAE, Qatar, Bahrain, Australia at New Zealand sa Oktubre 22; US, Canada, at Guam sa Okt. 23; UK at Austria sa Okt. 31; France, Italy, at Spain sa Nob. 1.
Bago ang Always Yours, Never Mine, nagsama rin ang JoshLia sa mga pelikulang Un/Happy For You, Block Z, I Love You, Hater, Unexpectedly Yours, Love You to the Stars and Back, at Vince & Kath & James.
- Latest























