^

Pang Movies

LJ, mas lutang sa kaligayahan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
LJ, mas lutang sa kaligayahan
LJ Reyes at Philip Evangelista

Nagliliwaliw sa Italy sina LJ Reyes at ang kanyang asawang si Philip Evangelista, at mukhang masayang-masaya  sila. Napakalayo nang umalis si LJ sa Pilipinas.

Kung natatandaan ninyo umalis si LJ Reyes sa bansa para manirahan na sa US matapos siyang iwanan ni Paolo Contis na live-in partner niya noon.

Mukhang suwerte talaga si LJ, nakilala niya si Philip Evangelista na seryosong nanligaw sa kanya at niyaya pa siyang pakasal.

Ngayon ay tinuring na ring mga tunay na anak ni Phillip ang mga anak ni LJ at lalong naging masaya ang kanilang pamilya.

Lately nga nag-post pa si LJ ng bakasyon nila sa Italy na kung saan makikita mong maligayang-maligaya ang mag-asawa.

Sino ba ang nagsabing mahirap makakita ng ikalawang glorya.

Gabby, walang pake sa lovelife ng mga anak

Nakakatuwang makita si KC Concepcion na nakikipag-bonding sa kanyang mga kapatid at sa amang si Gabby.

Sa kabila ng differences, o pagkakaroon nila ng iba’t ibang ina, nakakasundo ni KC ang lahat ng kanyang mga kapatid at itinuturing siyang ate.

Hindi na bago sa aming paningin ang pictures ni KC kasama ang dalawang maliliit na kapatid na sina Samantha at Savannah pero this time nagulat kami dahil kasama na nina Samantha at KC si Garie na anak naman ni Gabby kay Grace Ibuna.

Wala tayong nababalitaang naging friction niya kanino man sa mga kapatid niya sa ama, in fact noong ikasal si Cloie Skarne na anak naman ni Gabby kay Jenny Syquia ay nag-attend din si KC.

Inaamin naman ni Gabby na nagkaroon man siya ng problema sa ina ng kanyang mga anak pero sa kanyang mga anak mismo ay wala at lahat naman ay malapit sa kanya.

Limang babae ang anak ng aktor, na kung tutuusin sakit ng ulo ng isang tatay lalo na’t magagandang lahat. Pero cool lang si Gabby.

“Basta ako pinapangaralan ko lang sila at sinasabi kung ano ang dapat tandaan sa mga manliligaw, pero hindi ko pinanghihimasukan ang kanilang lovelife. Kung saan sila maligaya, doon din ako,” sabi ni Gabby.

Sarah, nakikipag-date na sa iba

Itinanggi na ni Sarah Lahbati iyong sinasabing nakita siyang may ka-date sa isang restaurant sa Hong Kong.

Katulad sa inaasahan, sinabi niyang hindi ka-date kundi isang lalaking kaibigan na nakasama niya nung mamasyal doon.

Minsan kasi ang mga tao may malisyosong pag-iisip. May nakita lang kakilala kukunan na ng picture at gagawa na ng kung anong kuwento.

Kung sa bagay ano ba ang masama kung may manligaw man kay Sarah, hiwalay na naman sila ni Richard Gutierrez at sinasabing hindi na rin naman sila magbabalikan.

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with