^

Pang Movies

Jaclyn Jose, may mga bilin sa magiging asawa ni Andi

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jaclyn Jose, may mga bilin sa magiging asawa ni Andi

Nilantad ng fiancé ng aktres na si Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo ang huling mensahe sa kanya ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

Nag-post ang tatay ng mga anak ni Andi ng tribute para sa pumanaw na aktres.

Ibinahagi niya ang mga screenshot ng message ni Jaclyn na may nakalagay na “Any which way… Take care of my daughter and my apos…

“alam mo? Mahal kita, Philmar you are the father of my apos, maraming salamat..”
Na pinasalamatan din ni Philmar sa isa niyang post sa pag-aalaga nito sa mga anak niya na apo nito.

May dalawang anak sina Andi at Philmar na sina Lilo at Koa. Paminsan-minsan ay kasama rin nila si Ellie sa bahay nila sa Siargao na anak ni Andi kay Jake Ejercito.

Siguradong marami ang na-touch sa naging mensahe ni Jaclyn.

Hindi makakalimutan ni Philmar ang pagmamahal ng kanyang magiging biyenan.

Sayang lang at hindi ito umabot sa kasal nila ni Andi.

Sana nakita nito ang paglakad ng anak sa aisle.

Matagal nang nakatira si Andi sa Siargao matapos talikuran ang showbiz.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with