^

Pang Movies

Anak ni Beauty, umaarte na rin!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Anak ni Beauty, umaarte na rin!
Beauty at Olivia

Ang bongga naman ng anak ng aktres na si Beauty Gonzalez na si Olivia na may cameo appearance sa upcoming film ng mommy niya.

Kaya naman proud na proud ang mommy niya sa kanyang baby girl.

Ibinahagi ng Walang Matigas na Pulis Sa Matinik na Misis Season 2 actress ang litrato nila sa isang field sa Laguna at doon niya nilantad ang tungkol sa cameo nito.

Tila bumalik siya sa kanilang shoo­ting site sa Laguna pero this time raw ang kasama na niya ang kanyang baby.

Kung inaakala raw na konting paglalaro at hagikhik lang ang gagawin nito ay nagkakamali raw dahil meron daw itong linya na Tagalog at heavy crying scene.

Buong pagmamalaki naman itong binahagi ni Beauty at mensahe niya sa kanyang daughter, “But WOW, well done baby. You made us proud. A little glimpse into my world, now back to class.”

Mukhang simula na ito ng pagpasok ni Olivia sa showbiz at susundan ang yapak ng mommy niya lalo na’t ngayon pa lamang ay lutang na rin ang ganda nito na minana rin sa kanyang Mommy Beauty.

Anak ni Beauty si Olivia sa mister na art curator na si Norman Crisologo.

Diretsahan ding sinabi ng Stolen Life actress na wala na siyang planong sundan ang panganay nila at kuntento na siya sa isang anak lamang.

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with