^

Pang Movies

Katrina nagluluksa, karelasyon inatake!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Katrina nagluluksa, karelasyon inatake!
Katrina Halili at Jeremy Guiab

Malungkot na naman ang buhay ng female star na si Katrina Halili matapos na pumanaw noong Enero 28, Linggo, ang kanyang boyfriend na si dating Vice Mayor Jeremy Guiab. Inatake raw ang dating vice mayor sa bahay mismo ni Katrina sa New Manila at isinugod siya sa malapit na St. Luke’s Hospital at doon na siya binawian ng buhay.

Ang tanging nasabi na lamang ng Katrina ay “Ang daya mo love sabi mo aalagaan mo kami ni katie. bakit iniwan mo kami.”

Si Katie ay anak ni Katrina sa dating boyfriend, ang singer na si Kris Lawrence.

Naging magulo ang buhay ni Katrina at sobra siyang naging kontrobersiyal nang lumabas noong araw ang kanyang scandal videos na kasama si Hayden Kho.

Si Katrina naman ay nakatagpo ng boyfriend na si Kris Lawrence nga. Nagkaroon sila ng isang anak, ngunit nagkahiwalay rin.

Nanahimik na sa buhay si Katrina dahil nagkaroon siya ng bagong boyfriend, si Vice Mayor Jeremy Guiab nga na namatay naman noong Linggo.

Fifty-three years old lamang ang dating vice mayor nang mamatay.

CNN PH, nagbayad hanggang feb

Wala na ang CNN Philippines, sa kanilang meeting noong Lunes diretsahang sinabi ng kanilang presidente na si Benjamin Ramos na nalulugi na ang kumpanya at wala na silang magagawa kundi ang itigil na ang broadcast. Bagama’t ang kasunduan nila sa CNN na pag-aari ng Turner Corporation ng America ay hanggang sa susunod na taon pa, minabuti na ng magkabilang panig na tapusin na ang kanilang collaboration dahil sa pag-amin ng CNN Philippines na kapos na iyon sa pananalapi dahil sa mababang kita ng network.

May tatlong daang empleyado rin ang apektado ng pagsasara subalit masaya na rin sila dahil matapos ang announcement ay nakuha na nila ang kanilang separation pay at buong suweldo pa para sa buwan ng Pebrero.

Natapos na ang kanilang huling broadcast noong Lunes at mananatili pa sa himpapawid ang CNN hanggang mamayang hatinggabi.

Posibleng ibalik na lang daw iyon sa dating RPN 9, kung matutuloy nga ang collaboration ng dalawang malaking kumpanya na interesado sa istasyon.

Sunshine, rampa-rampa sa HK

Mukhang sinasamantala ng aktres na si Sunshine Cruz ang pagkakataong hindi siya busy kaya’t siya ngayon ay namamasyal sa Hong Kong. Deserve naman niyang mamasyal dahil simula nang magbalik showbiz siya, hindi na siya natigil sa trabaho at nakapagpahinga kundi ngayon lang.

Para kasing nagbalik sa zero ang buhay niya, at may tatlo pa siyang anak na kailangan niyang intindi­hing mag-isa.

Panay nga ang pasalamat ni Sunshine sa Diyos at hindi naman siya pinabayaan.

Dumami ang kanyang trabaho at nagawa niyang maitaguyod ang kanyang mga anak.

Iyong huli niyang pinag-ipunan ay isang mas malaking bahay na kanilang titirhan, at ngayon ngang tapos na tapos na iyon, nagpahinga naman si Sunshine bago sumabak na muli sa trabaho.

vuukle comment

KATRINA HALILI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with