^

Pang Movies

Osang, nasilipan na si Marco, KD binabantayan pati pag-ihi ni Alexa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Osang, nasilipan na si Marco, KD binabantayan pati pag-ihi ni Alexa
Marco

Ini-reveal ni Rosanna Roces na nakita na niya ang “junjun” ng co-star niya sa Pira-Pirasong Paraiso na si Joseph Marco.

Sa farewell mediacon ng nasabing serye last Wednesday ay isa-isang inilarawan ni Osang ang kanyang mga batang co-stars na sina Joseph, KD Estrada, Elisse Joson, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Pagdating kay Joseph, aniya ay matagal na raw niyang kasama ang aktor magmula pa sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Siyempre, si Joseph Marco, ang tagal naming magkasama niyan sa Probinsyano. As in, naging parang magkapatid na kami do’n, no?” simula ni Osang.

“Pati ‘ano’ niyan nakita ko na,” rebelasyon ng aktres sabay-tawa.

Dagdag pa niya, “ipinakikita naman kasi nila sa ‘kin, eh tinitingnan ko naman siyempre, ‘di ba? Pero walang malisya ‘yun, siyempre. Mahal ko ‘yan, si Joseph.”

Tawa naman nang tawa si Joseph habang kinukuwento ito ni Osang.

Nang mahingan ng reaksyon ang aktor, aniya, “I love working with Miss O, you know. Sobrang maasikaso siya especially kapag naging ka-close mo siya and especially kapag nagustuhan ka talaga niya.”

Paglalarawan pa ni Joseph kay Osang, “kasi ano ‘yan, eh, black and white ‘yan, eh. If ayaw ka niya, ayaw ka niya. If gusto ka niya, gusto ka niya talaga.”

Kaaliw rin ang kwento ng aktres tungkol kay KD na kapag umiihi raw ang ka-loveteam na si Alexa ay lagi itong nakabantay sa labas ng pintuan.

Pinuri kasi niya ang sobrang pagka-gentleman ni KD at pagbubuking niya, “’pag umiihi nga si Alexa, nakabantay ‘yan sa pintuan. Totoo!”

Paliwanag pa niya, “kasi, sira ‘yung lock (ng pintuan), so siya ‘yung nagbabantay.”

Si Charlie naman ay tinuruan daw ni Osang na maglagay ng deodorant sa kamay dahil lagi raw pinapawisan ang kamay nito dahil sa kaba.

Ayon kay Osang, ganyan din daw siya nu’ng nagsisimula pa lang at kabang-kaba rin siya mga eksena niya.

Samantala, sa Jan. 27 na ang finale episode ng Pira-Pirasong Paraiso na  napapanood at 2 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Loisa, gusto munang humiwalay kay Ronnie!

Sa nasabing finale mediacon pa rin ng Pira-pirasong Paraiso, sinabi ni Loisa Andalio na mas gusto niya munang maghiwalay sila ng proyekto ng boyfriend na si Ronnie Alonte.

Kaya kapag nagkataon, after Pira-Pirasong Paraiso ay baka hindi na muna natin mapanood ang LoiNie loveteam sa isang proyekto.

“Ngayon sa serye, siguro mas gusto ko magkaiba naman po muna. Kanya-kanya mag-grow muna. Seven years na kami loveteam. Gusto ko grow din siya as an actor,” sabi ni Loisa sa finale mediacon.

Sumang-ayon naman si Ronnie sa sinabi ng GF. At ang gusto raw sana niya ay ma-fulfill na ang dream niya na maging action star. “Gusto ko talaga mag-action. Ito (Pira-Pirasong Paraiso) ang naging training ko. Tama si Lois, napag-usapan namin, kapag may magandang offer, pwede ka magsolo at humiwalay muna,’” sey ng aktor.

Thankful din si Ronnie na nagkaroon siya ng mga action scenes sa Pira-Pirasong Paraiso na talaga raw na-enjoy niya.

“’Yung role na makipagsapakan, barilan. Kaya salamat sa Dreamscape dahil nagawa ko siya rito kahit paano,” saad ni Ronnie.

vuukle comment

JOSEPH MARCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with