^

Pang Movies

Suot na gown at alahas ni Heart, gustong resibuhan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Suot na gown at alahas ni Heart, gustong resibuhan!
Heart Evangelista

Ang gandang pagmasdan nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa ginanap na 2023 Tatler Ball in sync na in sync ang suot nilang dalawa. Si Heart. suot ang black and white gown na gawa ni Giambattista Valli. Hindi nabanggit kung sino ang may gawa ng suot ni Chiz.

Dahil sa gown na suot, para sa netizens, si Heart ang best dressed that night at nag-agree ang marami dahil talaga namang kakaiba ang kanyang suot. May gusto ngang malaman kung magkano ang gown na ‘yun, pati ang jewelry na suot ni Heart that night.

May photo si Heart na kasama si Liza Soberano at tama ang caption na “Two of the most beautiful faces in the Philippines Heart Evangelista and Liza Soberano.”

Diego naloka nang maunahan sa anak

Relate na relate si Toni Gonzaga sa inis ni Diego Loyzaga na naunahan ng reporter sa pag-a-announce sa birth ng kanyang baby girl. Na-interview ni Toni si Diego sa  vlog niyang Toni Talk at isa ang tungkol doon sa napag-usapan.

Sabi ni Diego, “That was supposed to be my post. I was supposed to post, first father’s day or the best birthday gift ever. Kaso nga lang, inunahan ako ng isang I don’t know if she’s on tabloid or whatever in the Philippines. It was annoying.”

Nag-react si Toni sa sinabing ‘yun ni Diego, “Inunahan sa pag-a-announce? Ganyan sila. Ako rin, when I got pregnant with Seve, inunahan din ako sa pag-a-announce.. May mga nangunguna. This is my moment.”

Sa second pregnancy ni Toni, wala siyang sinabing naunahan siya sa pag-a-announce na nangyari uli. Kahit wala pa siyang in-announce, nauna na ang writers at kahit ordinaryong netizens, nag-post ng photo niya na nakaupo at obvious na pregnant. Sa taping daw ng vlog niya kuha ang photos na nagpapakitang preggy nga siya.

Kaya siguro ayaw pang ipakita ni Diego ang face ng baby girl niya at ng kanyang patner dahil ayaw niyang kumalat agad ang mukha habang wala pang proper introduction. Side view pa lang ng baby girl ang kanyang pinost at makikitang chubby si baby girl at balbon ang braso.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with