^

Pang Movies

Marian, nag-request ng balato sa kanila ni Heart   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Marian, nag-request ng balato sa kanila ni Heart            
Heart

Nagbigay na rin ng pahayag si Marian Rivera tungkol sa renewed friendship nila ni Heart Evangelista.

Ipinost ni Nelson Canlas ng GMA-7 ang video ng panayam niya kay Marian at ayon sa Kapuso Primetime Queen, masayang-masaya siya and so at peace na dahil sa pag-aayos nila ni Heart. “Yung puso ko ay... ang nararamdaman ko talaga, my heart is happy tapos nandun ako sa peaceful, na finally, everything. . . alam mo, in God’s perfect time,” she said.

Kung anuman daw ang kanilang mga pinag-uusapan ay sa kanila na lang daw sana ‘yun.

“Siguro kung ano man yung mga pinag-uusapan namin behind, siguro ibalato nyo na lang sa amin yun kasi it’s too personal for us,” aniya.

 “So nakakatuwa na may mga conversation kami na, hanggang ngayon may communication kami,” sey pa ni Yan.

Matatandaang matagal na nagkaroon ng gap sina Marian at Heart na sa sobrang tagal nga ay nakalimutan na namin ang dahilan.

Napansin ng netizens ang pagkakaa-ayos nila just recently nang i-follow na nila ang isa’t isa sa Instagram.

Nagbigay na rin ng pahayag earlier si Heart sa isang panayam at sinabing she and Marian have always been okay at ang mga tao lang talaga sa paligid nila ang nagpalala ng sitwasyon sa pagitan nila.

“Real queens support each other,” sey pa ni Heart.

Sharon, ayaw tumanggap ng regalo sa Pasko

Nakiusap si Sharon Cuneta sa kanyang pamilya, mga kaibigan at fans na huwag na siyang bigyan ng regalo sa Christmas at sa kanyang kaarawan sa Enero.

Sa kanyang latest Instagram post idinaan ng Megastar ang kanyang request.

“Dear Family, Friends, my Sharonians/ Sharmy, I do not expect any gifts from any of you this Christmas and on my birthday on January 6, but knowing you, you are probably already preparing gifts for me or planning to. Please - DO NOT BUY ME ANYTHING. I have way too much stuff, we are always blessed with so much food from everyone always,” ang simula ni Sharon.

Pero kung talaga raw gustong magregalo, huwag na sa kanya kungdi sa sinusuportahan niyang animal shelter na Pawssion Project.

“But if you insist like I know lots of you will, and you REALLY want to give me something that I will appreciate and truly treasure, please DONATE instead to @pawssionproject.

“You know how much I LOVE DOGS OF ANY AND ALL BREEDS, and it just would mean the world to me if you could give to @pawssionproject to help us keep our rescued dogs well-fed and healthy,” sey ni Mega.

“THIS IS WHAT I WANT FOR THIS CHRISTMAS AND MY BIRTHDAY THAT WOULD REALLY MAKE ME HAPPIEST. Your undying love and support for me are more than enough,” pahayag pa niya.

Kasalukuyan pa ring nagluluksa si Sharon dahil sa pagkamatay ng kanilang oldest doggie na si Bea few days ago.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with