^

Pang Movies

Beauty, bigay na bigay ang halik kay Gabby!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Beauty, bigay na bigay ang halik kay Gabby!              
Gabby at Beauty

Matapos ang hit comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis with Sen. Bong Revilla, balik-drama si Beauty Gonzalez sa bagong afternoon TV series ng GMA 7 na Stolen Life.

This time ay si Gabby Concepcion naman ang leading man ni Beauty at dual role ang kanyang ginagampanan. Kasama rin nila rito si Carla Abellana na isa rin sa bidang aktres.

Sa nasabing serye ay may kissing scene ang dalawang leading ladies kay Gabby kaya natanong sila sa ginanap na grand mediacon ng serye last Thursday kung kumusta naman ang naturang eksena.

“I did enjoy, okay?” sabi ni Beauty. “I enjoyed every bit. And I must say Gabby is such a gentleman.”

Dagdag pa niya, “we did it in one take or 2 takes para hindi na ma­ging akward and I really admired that of him and I must say, I enjoyed it a lot. I felt that I was taken good care of.”

Natanong nga rin namin sa aktres kung ready ba siyang mapanood ng mister niyang si Norman Crisologo ang kissing scene and she answered, “oh, he watches everything.”

Lahat daw ng ginagawa niya ay nakikita muna ng mister niya ang scripts at sobrang swerte raw niya na hindi ito seloso.

“Even the scripts that I’ve done, all the movies, binabasa ng asawa ko and I’m very open to him and I’m very blessed that he’s not seloso. He’s a very supportive husband.

“Maybe it comes with age and what he does in life. He’s an art curator. So, he knows that I’m just doing my job. And he knows that I’m enjoying,” ani Beauty.

Samantala, kakaibang kwento na naman ang mapapanood sa Stolen Life dahil ie-explore nito ang mundo ng astral projection.

Carla and Beauty will both play dual roles bilang Lucy and Farrah kaya tiyak na pati ang viewers at malilito.

Magsisimula na ngayong Nov. 13 ang Stolen Life sa GMA Afternoon Prime mula sa direksyon ni Aloy Adlawan.

Vice, araw-araw dinadamayan si Ion

Bumaha ng luha sa studio ng It’s Showtime matapos ang buwis-buhay at nakakaantig na performance nina Jhong Hilario, Ion Perez at Kim Chiu sa last day ng Magpasikat 2023 kahapon, Friday.

Ang tema kasi ng kanilang perf ay tungkol sa maling paggamit ng cellphone at social media na as we all know ay mga artista ang karaniwang nabibiktima.

Kaya naman feel na feel ni Kim din ang kanyang performance lalo na nga nang nagbigay siya ng mensahe sa kanyang ama na naroroon sa studio.

Emosyonal na mensahe ni Kim sa ama, “mas nakakapag-update pa ako sa ibang tao kaysa sa ‘yo. Alam ko, tumatanda ka na rin, hindi kita laging nakakasama. Pero ayokong dumating ‘yung araw na hindi ko masabi sa ‘yo lahat ng gusto ko sabihin. Na kahit anong nangyari sa pamilya natin, bali-baligtarin man ang mundo, hindi ko ipagpapalit na ikaw ‘yung naging tatay ko.”

Sobrang touching din ng mensahe ni Jhong sa kanyang anak at ni Ion sa kanyang ina.

After the performance ay nagyakapan ng mahigpit ang hosts at proud na proud si Vice Ganda kay Ion.

Naging emosyonal din si Vice habang ikinukuwento kung paano nasaktan si Ion ng social media.

“Kasi syempre araw-araw, kasama ko ‘yan, ‘di ba? Alam ko kung gaano siya sinasaktan ng social media. Everyday he’s being judged, kung ano siya, saan siya galing, paano siya magsalita, ano lang nakikita sa kanya, ‘yung klase ng relasyon na meron siya, everyday he’s being judged,” emosyonal na sabi ni Vice.

“Araw-araw lumalaban ‘yan. Araw-araw nasasaktan. Basta hindi n’yo alam kung ano epekto nito kay Ion, at sa ‘kin, hindi n’yo alam. Ang alam n’yo lang, ‘yung alam n’yo, ang nakita n’yo lang, ‘yung nakita niyo. Hindi n’yo talaga alam,” aniya.

Kaya naman nangako si Vice kay Ion na dadamayan niya, kakampihan at sasamahan araw-araw ang dyowa.

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with