^

Pang Movies

Baron, umalma sa pagkatsugi

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Baron, umalma sa pagkatsugi
Baron
STAR/ File

Umalma na si Baron Geisler sa balitang tsutsugihin siya sa Kapamilya series na Senior High dahil natatakot sa kanya ang mga cast kapag lasing siya.

Sinagot ng aktor ang issue sa kanyang X (dating Twitter) account. Ini-reshare niya ang isang online article na may titulong “Baron Geisler, feared by ‘Senior High’ cast when drinking?”

Sa caption, tinawag ni Baron na “fake news” at “click-bait” ang article.

Few days ago ay ni-like pa ng aktor ang isang balita tungkol nga sa isyung ito kaya marahil ay marami ang nag-isip na totoo ito.

Pero ngayon ay nagsalita na nga si Baron at itinanggi na ang issue.

Maging ang manager ng aktor na si Arnold Vegafria ay naglabas na rin ng official statement sa kanyang Instagram hinggil dito.

Sa nasabing statement ay inamin ni Arnold na talagang mawawala pansamantala si Baron sa Senior High pero hindi dahil tinanggal ito sa serye kundi kailangan daw ng aktor na mag-focus sa dalawang gagawing proyekto at sinigurong babalik daw ito sa show pagkatapos.

“Contrary to the misleading reports of some showbiz reporters, my talent Baron Geisler has not been terminated from his ABS-CBN teleserye project ‘Senior High’ because of his delinquent behavior.

“Baron has been given clearance by the show’s producer to take a temporary break for him to focus on two movie projects (one local, one international), after which he will resume his taping for ‘Senior High,’” simula ng statement.

Nilinaw rin ng manager ni Baron na nagbago na talaga ang aktor at tapos na ang pagiging ‘bad boy.’

“I had the privilege of having a heart to heart talk with Baron recently and saw for myself how much he has reformed since his ‘bad boy’ days some years back.

“He remains the same talented, world-class and award-winning actor that we all know, and because of his inspiring story of redemption, I believe that he deserves a second chance – that’s why I didn’t hesitate to take him back under my management,” pahayag ni Arnold.

Pakiusap pa ng manager, “I just hope that we can put an end to all these baseless allegations and refrain from making any unfair judgment until we validate the truth.”

JM, nasaktan sa body shamers!

Maikli lang pero tagos ang reaksyon ni JM de Guzman sa kanyang body shamers.

Ipinost ng Linlang actor ang screenshots ng mga komento tungkol sa kanyang katawan ng netizens. Dito ay makikitang bina-bash siya at sinabihang “chubby” at “mataba.”

Sey pa ng isang netizen, “bat parang may mali? Parang may stiffneck jm tumaba.”

Komento naman ng isa pa, “tumaba c JM, inaalagaan ni Donna ng maayos.”

Si Donnalyn Bartolome na nililigawan ngayon ni JM ang tinutukoy ng netizen.

Ito lang ang reaksyon ni JM sa kanyang bashers: “Masakit kayo magsalita.:)”

Sa comment section ay dumagsa naman ang supporters at simpatiya sa aktor kabilang na ng mga kasamahan niya sa showbiz.

“Whew. Ibang klase. How can people be so mean. Kala nila nasa sarili lang nila silang mga kwarto at nakikipagkwentuhan sa mga barkada nila habang namumulutan ng ibang tao. These people are not happy people thats for sure,” komento ni John Arcilla.

Sey naman ni Dianne Medina, “we love you juan mig.”

Payo naman ni Tim Yap, “you are such an amazing actor. Your mastery of craft is what matters. Learn to ignore.”

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with