^

Pang Movies

Baron, kinatatakutan ng senior high tuwing nakakainom?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Baron, kinatatakutan ng senior high tuwing nakakainom?!
Baron
STAR/ File

Dedma lang si Baron Geisler sa balitang tsutsugihin na siya sa seryeng Senior High ng ABS-CBN. Ang daming netizens na nagtatanong sa kanya sa kanyang Instagram page kung totoo ito pero hindi niya sinasagot ang mga ito.

Ayon kasi sa tsika ni Ogie Diaz sa kanyang vlog, balak na raw tsugihin si Baron sa nasabing serye dahil natatakot ang mga bagets na artista sa tuwing nakakainom siya.

Kaya naman katakut-takot ang reaksyon ng netizens tungkol dito at worried sila sa aktor lalo na nga ang kanyang fans.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Praying for you na layuan ka na talaga ng bad spirits,just focus kay God,sa family and ur gifted talent on acting.”

“Totoo po ba tanggalin kana sa Senior High? Sabi ni ogie Diaz sa YouTube niya. Wag naman.”

Sa huling video na ipinost ni Baron ay makikitang nagte-taping pa rin siya ng Senior High at mukhang unaffected naman siya sa issues sa kanya.

Anak ni Dennis, ‘di tinatanggal ang id sa FIBA

Puring-puri ng netizens at maging sa showbiz ang happy blended family nina Jennylyn Mercado and Dennis Trillo.

As we all know ay may kanya-kanyang anak sina Dennis and Jennylyn from their previous relationships at maayos na maayos ang kanilang setup.

Ang anak ni Dennis kay Carlene Aguilar na si Calix ay 15 years old na ngayon at kaedad din niya ang anak naman ni Jen kay Patrick Garcia na si Jazz.

Ayon kay Jen, parang tunay na anak din ang turing niya kay Calix at ganu’n din naman daw si Dennis kay Jazz.

“Blended family kami pero hindi namin iniisip as a family na galing sa iba’t ibang family. Kumbaga, nasa isip naming… ako tini-treat ko si Calix as my own. Si Dennis din, ganu’n din kay Jazz,” sey ng Kapuso Ultimate Star sa panayam niya sa Kapuso Showbiz News.

May sarili na ring anak sina Dennis at Jen, si Dylan na ipinanganak ng aktres noong 2022 at pantay-pantay raw ang treatment nila sa tatlo.

“Normal. Kung paano kami magpalaki ng anak, ganu’n. Pantay-pantay. Normal. Wala kaming… kahit sa back ng head namin, walang… hindi namin iniisip na sa ibang family galing or ano.

“Basta kami, kumpleto. Masaya kami na magkakasama. Napapalaki namin ‘yung mga bata nang maayos. ‘Yun naman ‘yung importante. Masaya, buo,” sey ni Jen.

Naikwento nga rin ng aktres ang nakaraang bonding moment nila ni Calix kung saan ay isinama niya ito sa FIBA World Cup 2023 kamakailan. Sobrang tuwang-tuwa raw ang bagets dahil mahilig daw talaga ito sa baskeball.

“Na-excite siya nu’ng sinabi kong isasama ko siya (sa FIBA). Kasi ako, wala akong alam sa basketball. Pero siyempre, para sa kanya, gusto ko siyang mag-enjoy, gusto ko siyang matuwa and malapit na ‘yung birthday niya nu’n.

“Hanggang ngayon, ‘yung ID (bracelet tag) papasok ng FIBA, hanggang ngayon, hindi niya tinatanggal,” natatawang kwento ng aktres.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with