^

Pang Movies

Jason Abalos, gustong ibalik ang alindog

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jason Abalos, gustong ibalik ang alindog
Jason at Knoa

Balik-alindog si Jason Abalos pagkatapos ng ilang buwang hindi nakapag-workout simula noong mabuntis at makapanganak ang misis na si Vicki Ruston.

One month old na ang baby boy nilang si Knoa Alexander at ito ang laman ng kanyang social media accounts.

Dahil siguro napansin ni Jason na papunta na sa pagiging “dadbod” ang katawan niya, nagsimula na ulit siyang mag-workout para makasabay daw siya sa mga gagawin ng kanyang baby boy.

Inamin ni Jason na lagi siyang puyat sa pag-alaga kay Knoa at kasabay pa ang taping niya ng teleserye na Lilet Matias: Attorney-At-Law na bida si Jo Berry. Napapanood din si Jason sa Love Before Sunrise.

Last month ay nakasama si Jason sa All Star basketball sa Bahrain kung saan team mates niya sina Joross Gamboa, Adrian Alandy, Marco Alcaraz, Gab Lagman, at Onyok Velasco.

Partner ni Ricardo, wala pang imik sa syndicated ESTAFA

Wala pang reaksyon o comment si Marina Benipayo sa pagkakaaresto ng kanyang partner na si Ricardo Cepeda dahil sa kasong syndicated estafa.

Sa social media accounts ng former model and beauty queen, wala pa siyang pinu-post tungkol sa nangyari kay Ricardo.

Hindi updated ang Facebook, Instagram, at X account ni Marina. Huling mga post niya ay noong September pa.

Tiyak na apektado si Marina sa nangyari kay Ricardo dahil parati silang magkasama, hindi lang sa iisang bahay kundi pati na sa trabaho. Pareho pa naman silang nasa teleserye na Batang Quiapo.

Gusto rin sana namin malaman ang nararamdaman ng dalawang anak ni Ricardo sa ex-wife na si Snooky Serna na sina Samantha at Sachi. Pero mukhang walang social media accounts ang mga ito.

As for Snooky, wait na lang natin kung ano ang masasabi niya sa nangyari kay Ricardo. Kahit na hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa, nirerespeto pa rin ni Snooky ang pinagsamahan nila at civil naman daw sila ni Ricardo kapag nasa publiko silang dalawa.

Leonardo Dicaprio, napalitan agad si Gigi Hadid

After ng short-lived romance with Leonardo DiCaprio, ang actor-director na si Bradley Cooper naman ang nakikitang parating kasama ni Gigi Hadid.

Nakitang kasama ng Victoria’s Secret Angel si Cooper na nagdi-dinner sa Via Carota in New York City.

Noong July ay kasama pa ni Gigi si Leo sa Hamptons. Pero ngayon ay dine-date ng Oscar winner ang model-friend ni Gigi na si Vittoria Ceretti.

Tulad ng kay Leo, hindi pa raw serious ang pakikipag-date nito with Cooper. Gusto pa niyang makilala ito nang husto.

Alam din ni Gigi na maayos ang relasyon ng aktor sa ex-partner nitong si Irina Shayk kung kanino meron itong 6-year old daughter.

Pero ang dine-date ngayon ni Irina ay si NFL star Tom Brady na ex-husband ng kaibigan din ni Gigi na si Gisele Bundchen.

vuukle comment

JASON ABALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with