^

Pang Movies

Megan at Mikael, nagpagawa ng content studio!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Megan at Mikael, nagpagawa ng content studio!
Mikael at Megan

Ang bongga naman ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez.

May pa-tour sila sa kanilang followers sa kanilang pinagagawang content studio.

Nagbigay sila ng update at makikita nga sa video na simula na ang paggawa rito at mga materyales sa pagpapagawa.

Ayon sa post ni Megan ay umpisa pa lang ito at sabik na silang ipakita ang journey ng paggawa nila ng space para sa kanilang content. Kwento nga nila ay ginagawa nila ang lahat ng kanilang content sa bahay nila pero nagdesisyon silang gumawa ng space at ihiwalay ang trabaho sa kanilang bahay.

Ito rin daw ang isa sa pinakamalaking desisyon na ginawa nila bilang mag-asawa.

Dagdag niya, “this project is so dear to us as it’s one of the biggest decisions we’ve had to make as a couple and as a team. we’ll be putting together a number of episodes to tell the story behind our vision”

Kwento nila ay dati pala itong bahay ng lola ng aktor. Marami rin silang plano para sa lugar. Lutang nga ang kasabikan nila habang ibinabahagi ang mga plano nila ‘pag natapos na itong gawin.

Hindi rin nakalimutang banggitin ng actress-beauty queen ang kanyang paghanga sa kanilang interior designer.

Bukod sa abala ang couple sa kanilang mga proyekto sa GMA, aktibo rin sila sa social media.

vuukle comment

MEGAN YOUNG

MIKAEL DAEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with