^

Pang Movies

Derrick at Elle nagbabalak bumili ng property sa Siargao!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Philstar.com
Derrick at Elle nagbabalak bumili ng property sa Siargao!            
Elle at Derrick

For the first time, umamin na rin si Kapuso actor Derrick Monasterio na totoo na ang relas­yon  nila ng kapwa Kapuso na si Elle Villanueva.

Dati kasi, kapag tinanong silang dalawa, ang sagot nila ay “walang label.” Ngayon, inamin ni  Derrick na almost three months nang official ang kanilang relasyon. “Pero almost two years na kami sa kung ano ang treatment namin sa isa’t isa na walang label, kahit matagal na kaming magkakilala at magkasama sa first teleserye namin, ang Return to Paradise in 2022,” dagdag pa ni Derrick.

Sa isang interview, tinanong si Derrick kung ano ang nabago ngayong officially sila na ni Elle? “Wala naman, kung ano lang ang ginagawa ko before sa kanya, walang pagbabago, may label man o wala. Kung ano ang treatment ko sa kanya, ‘yun ‘yung plans ko for us.”

Ayon kay Derrick, ang future plans nila ni Elle, “pinaplano naming bumili ng properties, like kung tumanda-tanda na kami, titira kami sa Siargao, bibili kami ng property dun, kasi gusto namin doon. Iba ang glow namin kapag nandun kami. Simpleng pamumuhay na malapit sa dagat.”

Matatandaang nang gawin nila ang Return to Paradise ay matagal silang nag-location shoot sa isang beach sa Batangas.

Sa ngayon, si Elle ay napapanood sa Voltes V: Legacy gabi-gabi, 8 p.m. sa GMA 7. Si Derrick ay napapanood naman sa Sunday noontime show na All-Out Sundays sa GMA 7.

Vice at Bitoy, may collab sa pelikula?!

Maganda ang nabuo na pwedeng mag-collaborate ang mga artista ng iba’t ibang  network na siya nga raw tumapos sa “network war” tulad ng sabi ni GMA CEO Atty. Felipe Gozon. Nauna na nga ang collaboration  ng GMA Network at ABS-CBN, nang gawin nila ang Unbreak My Heart na pinagsama sina Kapuso Richard Yap at Gabbi Garcia, kina Kapamilya stars Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria, at iba pang artista ng dalawang networks. Napapanood ang Unbreak My Heart Mondays to Thursdays, 9:50 p.m. sa GMA 7.

Sumumod dito ang paglipat ng It’s Showtime, from Kapamilya Network to GTV 24 na allowed mag-guest ang Kapuso Sparkle artists. 

Ngayon ay excited na ang fans sa possibility of a Michael V. and Vice Ganda collaboration, na una nang lumabas sa post ni Michael V. ng Pepito Manaloto sa dalawang beses nilang pagkikita ng It’s Showtime host, isa rito ay noong GMA Gala 2023 last July. May mga fan ding nag-suggest na mag-guest si Vice Ganda sa Bubble Gang ni Michael V.

May nag-suggest din na bakit hindi sila mag-collaborate ng isang movie for the coming Metro Manila Film Festival? 

At napatunayan ito, a few days ago nang ang stars ng Pepito Manaloto, sina Michael V. at Manilyn Reynes ay nag-guest sa  It’s Showtime kasama ang host nilang si Ogie Alcasid, na nag-celebrate ng birthday nito.

Nag-share sila ng memories nilang tatlo noon, and Ogie and Michael V. treated the madlang pipol ng short performance nila ng kanilang Yaya and Angelina characters na naging fanous noon sa Bubble Gang.

vuukle comment

DERRICK MONASTERIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with