^

Pang Movies

Komedyanang si Gladys Guevarra, nilantad ang biglaang pagpapakasal!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Komedyanang si Gladys Guevarra, nilantad ang biglaang pagpapakasal!             
Gladys at AD

Sinorpresa ni Gladys Guevarra ang kanyang followers matapos niyang i-share sa social media ang muling pagpapakasal niya sa Amerika.

Kinasal si Gladys noong nakaraang Aug. 13, at sa isang video na pinost niya sa Instagram, hinalikan siya ng kanyang groom bago sila nagyakapan sa altar.

“Once upon a time, there lived a very lonely Princess. One day, her Knight in shining armour arrived. And they lived happily ever after,” caption ni Chuchay.

Ilan lamang sa mga bumati sa bagong kasal ang komedyanteng si Ruby Rodriguez na nakasama niya noon sa Eat Bulaga.

Apat na araw bago ikasal, nai-share ni Gladys ang kanyang sexy bridal look na may mensahe ng pasasalamat sa Diyos matapos ang maraming pagsubok sa buhay.

Ipinagpasalamat din ni Chuchay ang pagdating ng kanyang ngayo’y asawa na si AD.

“Pinabangon ako muli ni Lord at binigyan ng isang katulad ni AD. Na minahal ako at minamahal ng buong buo at wala ng kahit anong question. Hindi ako uminda sa lahat ng sakit at pagsubok, knowing mas maraming sakit, hirap at pagpapahirap ang ginawa kay Jesus. Iniyakan ko? Oo, pero hindi ako pinabayaan ni Lord. At mas ipinaramdam pa sa akin ng Panginoon na mas deserve ko pang lumigaya ng mas maligaya pa sa inakala kong ligaya.”

Matatandaan na noong May 2021 kinasal si Gladys sa non-showbiz persona­lity na si Mike Navarrete sa Amerika.

Fabio Ide, tatay na ulit sa kambal

Naging tatay na ulit ang Brazilian-Japanese model-actor na si Fabio Ide dahil sa pagsilang ng twin daughters niya noong nakaraang Aug. 13.

Sa kanyang Instagram post, pinost ni Fabio ang photo ng paa at daliri ng kanyang newborn babies na ang mga pangalan ay Maya at Luna.

Noong nakaraang April binalita ni Fabio na buntis sa twins ang kanyang current partner na si Ellen Fröjd: “Happy to share our two little blessings sent from above. Words can’t explain what me and @ellenfrojd feels right now. Our brapaneses Swedish pusong pinoy babies are healthy and ready to shine. I love you so much Ellen!!! ”

Happy ang panganay na anak ni Fabio na si Danielle Mikayla Oca-Ide dahil sa kambal na kapatid niya. Anak ni Fabio si Dannie kay Denisse Oca na anak ng veteran actress na si Melissa Mendez.

Kasalukuyang napapanood si Fabio sa action teleserye na The Iron Heart.

vuukle comment

GLADYS GUEVARRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with