Alden at Michelle, rarampa sa Miss Filipina International   

Michelle

August 1 pa lamang, sinimulan na ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang kanyang Alden August, dahil umalis na siya patungong California, USA, kasama si Ms. Universe Philippines Michelle Dee, para mag-attend ng Miss Filipina International beauty pageant, na sila ang jurors. Gaganapin ito sa Aug. 5, sa Beverly Hilton Hotel, Beverly Hills, California, USA, at 6:00 p.m.

Sa Aug. 5 rin naman magsisimula nang mapanood si Alden sa month-long special episodes ng award-winning drama anthology ng GMA Network, ang Magpakailanman hosted by Ms. Mel Tiangco.

Ipu-portray ni Alden ang varied real-life characters showcasing his versatility and ac­ting prowess. Ang first featured story is titled A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story, with Alden portraying the role of Jirome, a dedicated runner na mayroon cervical dystonia, a debilitating neurological disorder na naapektuhan ang kanyang professional growth. Para magampanan ni Alden nang tama ang role, nagkaroon siya ng immersion kasama si Jirome, para matutunan niya ang mannerisms nito and life philosophies.

Makakatambal ni Alden sa said episode si Sanya Lopez na special request niya. Minsan daw silang nagkasama ni Sanya nang mag-guest siya noon sa Encantadia pero sandali lamang iyon kaya gusto raw naman niyang malaman kung how they can work together sa isang project. Ang #MPK ay napapanood every Saturday, 8:15 p.m. sa GMA 7. Kaya for the month of August, mapapanood muna si Alden na mag-host sa Battle of the Judges at 7:15 p.m., na susundan ng #MPK.

Pira-pirasong… at nag-aapoy…, pinagbawalan sa Showtime

Lahat pala ng mga programa at movies na produced ng ABS-CBN o may ibang network na kasosyo, maliban sa GTV Channel ng GMA 7 ay hindi pwedeng mag-promote sa noontime show na It’s Showtime.

Napansin daw ng ilang Kapamilya na hindi nagpo-promote sa It’s Showtime ang cast ng programang Pira-Pirasong Paraiso nina Elisse Joson, Charlie Dizon, Loisa Andalio at Alexa Ilacad, at Nag-aapoy na Damdamin nina JC de Vera, Jane Oineza, Ria Atayde at Tony Labrusca.

Umeere kasi sa GTV Channel ng GMA ang It’s Showtime, kaya kahit na may partnership na ang GMA Network at ABS-CBN ay hindi naman in partnership ang GMA at TV5. Ang dalawang TV shows ay produced ng TV5 in partnership with ABS-CBN.

Pero kapag solo produced daw ng Kapamilya network, tulad ng (FPJ’S) Batang Quiapo, Dirty Linen at Iron Heart pwede silang mag-promote. Ganoon din ang Unbreak My Heart kasi Viu-produced iyon plus collab naman ng GMA at ABS CBN.

Kapuso, mamimigay ulit ng mga papremyo

Nasa ika-7 season na pala ang Kapuso Bigay-Premyo Panalo at muli itong inilunsad ng Kapuso Network na muling magbibigay ng naglalakihang cash prizes, kasama ang chance na magwagi ng isang brand new house and lot, para sa mga mamimili at sari-sari store owners nationwide sa pamamagitan ng Kapuso Bigay Premyo Panalo (BPP) Season 7.

Para sumali, sundin lamang ang simple steps tulad ng pagbili ng participating products, at alamin din kung saan ang mga designated drop boxes na pwedeng paghulugan ng inyong entries.

Show comments