Mariel, pinatunayang matalas ang memorya

Mariel Rodriguez

Tawa ako nang tawa nang manood ako ng Fast Talk ni Boy Abunda kahapon.

Guest niya si Mariel Padilla, asawa ni Robin.

Katawa dahil naalala ni Mariel iyon pagbati ni Boy Abunda kay Joan Bonner, kapatid ni Apple na mga anak ng kapatid kong si Evelyn na regular na binabati noon ni Boy.

Imagine ganun ka-retentive ang memory ni Mariel.

Kaya bigla tuloy ako nag-melancholic. Talagang may mga bagay na hindi mo malilimutan talaga, at hanga ako sa memorya ni Mariel ha.

Kaya naisip ko pag nagkaroon ng malungkot na pangyayari sa buhay niya hindi niya malilimutan iyon at mananatili sa utak niya forever.

Na sa kasalukuyan ay malabo yatang mangyari dahil masaya ang buhay ni Mariel.

Imagine talagang ginawa na pala niyang career ang pagiging online seller.

May nagpakita sa akin na video ng pagbebenta ni Mariel at bibilib ka sa kanyang energy.

Sandali lang akong nanood pero professional na professional ang husay niya sa pagbebenta ng luxury items na nakakamangha na ganun karami ang mga kagamitan niyang gusto niyang ibenta na halos ang ibang presyo sabi nga niya ay pamigay na.

Bongga.

Show comments