^

Pang Movies

‘Di naniniwala sa second chances Andrea, inaming trinaydor

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
�Di naniniwala sa second chances Andrea, inaming trinaydor
Andrea Brillantes

Kinumpirma ni Andrea Brillantes na naka-move on na siya sa break-up nila ni Ricci Rivero. Sa kanyang bagong vlog titled “Life Lately,” sinabi ng aktres na wala raw dapat ipag-alala ang kanyang fans dahil masaya na siya ngayon.

“Para na rin sa fans ko, sabihin ko na rin, baka kasi madaming concerned sa akin, gusto ko lang sabihin na okay na po ako ngayon,” aniya.

“Aaminin ko na tao lang ako, naging malungkot po talaga ako. One month ‘yun at masaya ako na ninamnam ko ‘yung kalungkutan ko na ‘yun at kailangan natin ‘yung harapin para mas maging maganda ‘yung paghi-heal natin,” dagdag niya.

Ngayon daw ay fully healed na siya talaga at naka-move on na sa lahat ng nangyari.

“Kahit ang dami pang mga bagong kyinemerut from the side, okay na ako. Kasi nakapag-heal ako nang buo at mas stronger ako ngayon. Tingin ko, mas strong ako at mas love na love ko na talaga ‘yung sarili ko,” she said.

Malaman din ang naging pahayag ng aktres tungkol sa betrayal.

“Kapag trinaydor ka na, ‘wag mo nang balikan. Pinakita na niya ‘yung sarili niya sa ‘yo. Hindi totoo ‘yang 2nd chances na ‘yan,” sey niya.

“Hindi sila worth it, ‘wag na, babay, cut off, next!” aniya pa.

Sa ngayon daw ay naka-focus siya sa kanyang sarili, sa kanyang friends, family, work, endorsements, photo shoot, mga aso niya and her fans.

Sey pa niya, “so ngayon, guys, mayroon akong parang assignment sa self ko. May bucket list ako na gusto kong gawin lahat mag-isa. Mag-concert mag-isa, manood ng movie mag-isa, makapag-condo at alam n’yo ‘yun, lahat ng things na gusto kong gawing mag-isa.”

John Lloyd may hugot sa kasalang Maja at Rambo

Kumalat sa social media ang speech ni John Lloyd Cruz sa welcome dinner nina Maja Salvador at Rambo Nunez noong July 30 bago ang kasal nila kahapon, July 31.

Ginanap ang welcome dinner sa Apurva Kempinski Bali, a five-star hotel resort located in Bali, Indonesia na siya ring venue ng kanilang wedding.

Bilang best friend ni Maja at talent din ng Crown Artist Management, Inc. na pag-aari ng aktres at mister na ngayon na si Rambo, siyempre ay present si Lloydie sa kasal.

Parte ng speech ni JLC, “alagaan n’yong mabuti ang isa’t isa, unawain nyo ang isa’t isa palagi. Maj, irespeto mo ang asawa mo. Rambo, ‘tol, ikaw din, ingatan mo ‘yung kapatid ko. Naging napakabuti niyan sa ‘kin, sa marami sa amin dito, sa maraming tao. Mahal na mahal ko ‘yan.

“At gusto ko na ring magpasalamat sa ‘yo, Rambo gamit ang pagkakataong ito, kasi alam ko, paulit-ulit mong tinutulungan si Maj na abutin ang mga pangarap niya sa buhay.

“Mapangarap ‘yan, sobrang mapangarap ‘yan. In other words, ambisyosa ‘yan. Pero Rambo, hindi ka magsisisi na nasa kampo mo ‘yang si Maja.”

Welcome dinner pa lang ay bonggang bongga na base sa mga nakita naming photos and videos kaya how much more sa mismong kasal?

Congratulations at mabuhay ang bagong kasal!

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with