Pia, may librong ilalabas!

Pia Wurtzbach

Malapit nang maging published author si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Pinost ni Queen Pia sa kanyang Instagram ang first page ng kanyang book na may title na Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty.

“A novel by Pia Wurtzbach... that sounds good,” caption pa niya.

Magiging available ang libro sa September.

Natuwa ang followers ni Pia sa IG dahil inaabangan nila ang libro na ito ng actress-beauty queen.

Yung iba naman ay nagtatanong kung saan puwedeng ma-order online ang libro at kung kelan at saan magaganap ang book signing event.

Laman nito ang tungkol sa kanyang journey mula sa pagi­ging working student, artista, model, beauty pageant contestant hanggang sa maging Miss Universe siya. Kasama rin ang love story nila ng husband niyang si Jeremy Jauncey.

Kahilera na si Pia sa celebrities na nag-publish ng kanilang sariling libro tulad nina Heart Evangelista, Alden Richards, Michael V., Maine Mendoza and Mark Bautista.

Ruru, naging idolo si Matteo

Ine-engganyo pala ng actor-TV host na si Matteo Guidicelli ang Kapuso actor na si Ruru Madrid na sumabak sa training para maging army reservist ding kagaya nito.

Magkakasama sina Matteo at Ruru sa upcoming action series ng GMA-7 na Black Rider.

“Opo, nagkaroon na kami ng first taping day. Sobrang nag-enjoy ako with Matteo kasi ang tagal naming magkausap sa tent. Buong araw kami lang ang magkasamang dalawa. Sobrang in-enjoy talaga namin ang pag-uusap,” pahayag ni Ruru

Na-inspire rin umano siya sa mga na-achieve ng mister ni Sarah Geronimo.

“Sobrang na-inspire n’ya ako sa mga ginawa n’ya. Nag-scout ranger siya, nag-Ironman race na rin siya before. So, parang lahat ng ginagawa n’ya, ’yon ’yong mga pangarap kong gawin.

“Si Matteo rin ’yung nagbibigay sa akin ng advice kung ano ang dapat gawin. Ini-engganyo n’ya rin akong mag-skydive which is gusto ko naman talagang matutunan,” sey pa ni Ruru.

Kung seryoso raw si Ruru na mag-train ma­ging scout ranger, inabisuhan na siya ni Matteo na hindi ganu’n kadali ang training.

Forty five days daw na mahirap na training.

“Wala namang imposible kung talagang ine-enjoy mo kahit gaano pa kahirap. And I guess kung mararamdaman ko talaga na kailangan or, I mean, gusto ko matupad ’yong pangarap ko na ’yon kakayanin ko ’yong 45 days,” paniguro pa ni Ruru.

Jo Koy nagsalita na sa nangyari sa kanila ng American wife

Handa na raw ang Filipino-American comedian na si Jo Koy na pag-usapan ang pakikipaghiwalay niya sa American TV host-comedian na si Chelsea Handler.

Naghiwalay sina Jo Koy at Chelsea noong July 2022 and after a year, naging magkaibigan naman sila.

“She’s a beautiful person, and, you know, we’re still friends. Chelsea’s doing beautiful things right now. She’s crushing it right now, so I have nothing but the best love for her,” sey ni Jo Koy.

Kahit na nagmamahalan daw sila noon ni Chelsea, may ilang bagay pa rin daw na hindi nila mapagkasunduan. Nauuwi raw ito sa away at pinakamabuti raw ang maghiwalay sila habang nandoon pa raw ang respeto nila sa isa’t isa.

Show comments