^

Pang Movies

Piolo, wala pa ring oras sa lovelife...

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Piolo, wala pa ring oras sa lovelife...
Piolo Pascual

MANILA, Philippines — Mas masarap pa rin daw si Piolo Pascual kesa sa binebenta niyang donut.

Ito ang reaction ng mga nag-comment sa ipinost ni Papa P na na negosyo niyang donut na kulay Pink ang motiff. P-Donut ang official name nito.

Anyway, nauna nang inamin ni Piolo sa ilang interview na wala siyang oras makipagrelasyon.

Mas tutok raw talaga siya sa maraming gagawing teleserye at pelikula. Plus may mga negosyo pa siya.

Isa sa hugot ni Papa P sa lovelife ay “Ang love parang hagdan huwag kang magmamadali kung ayaw mong mahulog at masaktan.”

So alam na yern. Hindi siya nagmamadaling magka-jowa.

Beaver at Mutya, excited sa isa’t isa

Tuluy-tuloy ang shooting pelikulang Magic Hurts, ang launching movie ng loveteam nina Mutya Orquia at Beaver Magtalas ng Rems Entertainment Production sa ilalim ng direksyon ni Gabby Ramos.

Ang Magic Hurts ay inspired sa pelikulang Got 2 Believe nina Claudine Barretto at Rico Yan.

First ever movie ito ni Mutya na matagal nang artista pero ngayon lang magkakapelikula.

Tumatak ang pagiging sirena niya sa Mutya (2011), ang batang si Jade Dimagiba (Kim Chiu) sa My Binondo Girl (2011 hanggang 2012) at ang pagiging si Abby Lim niya sa Be Careful With My Heart (2012 to 2014).

Nagsimula si Mutya sa showbiz noong apat pa lang siya, ipinakilala bilang ang batang Sabel sa primetime romance-drama na may parehong titulo, na pinagbidahan ni Jessy Mendiola (2010).

Pero ngayon lang siya nagkaroon ng starring role sa pelikula.

Kind hearted na mahilig sa flowers na nakatira sa Atok, Benguet ang role niya sa Magic Hurts.  “Anak po ako ni Tito Dennis (Padilla), ay hindi more like inampon ni Tito Dennis.”

Kaya tanong namin, kahit small role sa pelikula wala siyang ginawa? “Sa movie, wala po talaga. Never po. Before po meron pong inquiry kaso po hindi po kinaya ng schedule dahil sa taping noon ng Be Careful with My Heart.”

Si Beaver naman nagbida na sa pelikulang Genius Teens.

At bukod sa Magic Hurts ay excited sa grupong Gitara Boys si Beaver.

Sino mga kasama mo sa Gitara Boys?

“Originally po hindi ko alam kung makakasama ko po si KD pero si KD Estrada po is one of the possible na hindi po namin sure kung matutuloy kasi he’s very busy po talaga these days. Kasama rin po si Drei Sugay. Majority of them came from singing competitions po talaga. So talagang nag-aaral po akong kumanta kasi I first started naman po talaga sa acting. Recently ko na lang din po na-develop ‘yung singing voice ko.”

Wala pang binigay na playdate ng pelikula si Direk Gabby.

Kasama rin nila rito sina Claudine Barretto, Angelica Jones, among others.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with