^

Pang Movies

Gabby and Sharon may reunion sa concert!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Gabby and Sharon may reunion sa concert!
Gabby at Sharon
STAR/ File

Halos iisa ang hula ng followers ni Sharon Cuneta sa teaser meme niya na inilabas sa kanyang Instagram.

Ang nakalagay na text sa silhouette photo ng isang babae at lalaki – “10-27-23 SM MOA Arena.”

Sa comments na nabasa namin, Sharon and Gabby (Concepcion) reunion ang magaganap sa nasabing petsa. Mas malamang na concert ito ni Shawie at special guest si Gabby, huh!

Buhay na buhay ang dugo ng Sharon-Gabby fans sa teaser na ito ni Sharon at may request pang isama ng Megastar ang mga anak niya.

Concert man o whatever ang pasiklab ni Sharon, masayang reunion ito after ilang decades nilang hindi nagkasama sa project, huh!

Tutal naman, nandito sa bansa si Gabby at gumagawa ng TV series kapareha si Marian Rivera!

Kasal nina Arjo at Maine, nalusutan ng pasaway!

Nakalusot pa rin ang ilang pictures sa kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Baguio last Saturday kahit pinakiusapan na huwag munang maglabas!

Naku, natural na yata ang ganyang mga invited sa kasal lalo na’t uso na ang digital camera sa phone! Either gustong magpasikat na invited sila o gustong madami ng likes and shares sa kanilang social media account!

Eh ang mga Pinoy pa naman, habang pinipigilan, lalong nagpapasaway!

Hay naku, hayaan na lang ang mga taong ganyan lalo na’t sikat naman ang mga kinasal, huh!

At least, pictures lang ang inilabas, wala nang ibang detalye!

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with