^

Pang Movies

Isyu ng credit card naungkat...Heart, dedma pa sa ginawa ng ex-Glam Team!

Salve V. Asis - Pang-masa
Isyu ng credit card naungkat...Heart, dedma pa sa ginawa ng ex-Glam Team!

MANILA, Philippines — Ba’t kaya may kasamang intriga ang diumano’y pag-alis ng glam team ni Heart Evangelista?

Sari-sari ang kinakabit na kontrobersya na parang may kontrata na forever na ang kanilang pagsasama.

Ang liit lang ng showbiz na kumbaga ay sila-sila lang ang gumagawa ng mga pelikula, teleserye, variety shows, fashion shows, etc.

At sa ayaw natin at sa gusto, magkakakilala halos ang lahat, artista, producers, production crew, make-up artists, stylists, etc.

Dahil paikut-ikot lang naman sila ng nagiging katrabaho.

Kaya naman nakakalungkot na may kakabit na intriga ang hiwalayan nina Heart at kanyang glam team na matagal din ang pinagsamahan base na rin sa mga pino-post nila.

In fact, parang pamilya na sila, at hindi na lang professional level ang naging pagsasama kundi personal na.

At tulad sa ordinaryong pagsasama, lahat ay may katapusan.

Ang daming nalalabasang mga parang nakakalokang kwento sa dalawang kampo na parang ‘di naman magandang pakinggan dahil personal na ang mga atake ng magkabilang panig.

Well, sana they will take the high road.

Sayang ang na-build up image kung dahil sa mga chika ay magiging mapait ang kanilang hiwalayan. ‘Di ba ganun naman.

Kung hindi na sila happy sa isa’t isa, wala namang masamang maghiwalay.

Na walang talakan sa social media. Move on kaagad.

Kumbaga nagkatulungan naman sila.

Nakilala naman ang glam team ni Heart at kumbaga napaganda rin naman nila si Heart.

Sabay-sabay naman silang nakarampa lalo na sa Europe.

‘Di ba kung ayaw na nila ang isa’t isa, then be it.

Saka nagbabago naman ang ihip ng hangin.

Pero ‘pag may nasabi ka nang masama laban sa isa, mahirap na ‘yung burahin.

Kaya nga ang laging payo ng mga level headed sa industriyang ito, maging professional at grateful sa mga natanggap na blessing.

‘Wag ding maging sensitive at maging mababaw.

At importante sa lahat na don’t bite the hands that feed you.

Saka ang bottomline talaga, be grateful all the time.

Ang don’t backstab anyone dahil hindi ito magandang image na kung kaya mong gawin sa isa, possible na magagawa mo rin ito sa iba.

At siyempre, there’s dignity in silence.

At hindi lang ito para kina Heart at glam team niya, dapat ganun ang sistema ng buhay sa showbiz para walang paglaruan sa social media.

Nauna na ngang sinagot ni Justin Louise Soriano ang isyu na ginamit nila ang credit card ni Heart dahil sa paggastos nila na hindi alam ni Heart, sinagot nito sa TikTok na “Dear sya lang ang nagmamaxout ng credit card nya. Wala kami paki sa credit card nya.

“Namisinterpret yo ung tiktok nya na asa sg na may 24 [months siyang] babayaran. Sya may gastos nun hello kita nyo naman sguro sa sinusuot nya everyday [‘di ba?]”

Sinabi pa ng make-up artist na hindi raw totoong pera ang rason ng paghihiwalay nila pero ayaw raw nitong magsalita.

“Hindi yan ang true reason ng falling out, that was created to pivot the story. But again. My mouth will remain shut. Wala kasing ginamit na credit card. I have my own business, i earn on my own,I have 2 credit cards with the limits i needed and i live within my means.”

Kathryn, wagi sa Korea

Winner ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo bilang Outstanding Asian Star sa 2023 Seoul International Drama Awards (SDA).

Sa isang post ng ABS-CBN sa mga social media account nalaman ng lahat ang kanyang pagkapanalo.

Ang 18th edition Seoul Drama International Awards ay gaganapin sa Setyembre 21, na may live na broadcast sa KBS2TV ng Korea.

Si Belle Mariano ang nanalo last year ng nasabing award.

Samantala, nanahimik si Kathryn sa kumalat na video na nagvi-vape siya.

As in super dedma lang ang actress.

Joey binanatan ang 44th celebration ng EB

“You cannot complete and celebrate 44 years without the PAST! 14344 Dabarkads!,” post ng isa sa haligi ng programang Eat Bulaga na kung normal ang lahat ay masaya sanang magse-selebrayt ng 44th anniversary.

Pero iba ang pangyayari nang pumasok ang bagong management ng TAPE Inc.

Ngayon ay dalawang programa ang magkakaroon ng celebration, ang E.A.T at Eat Bulaga.

Well, nasa korte ang usapin hindi na lang ito simpleng kontrobersya.

Samantala, obviously wala ang TVJ sa kasal nina Arjo Atayde and Maine Mendoza sa Baguio kahapon.

Nag-post kasi si Sir Joey ng “Kalyeserye to KASALSERYE! All the best wishes Menggay! 14344!”

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with