^

Pang Movies

Herlene, pahinga na sa beauty pageant  

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Herlene, pahinga na sa beauty pageant         
Herlene

Iyak nang iyak si Herlene Budol sa kanyang latest vlog. Ito ay habang inaanunsyo niya na titigilan na niya ang pagsali sa beauty pageants.

Ayon sa comedienne/beauty queen, siguro raw ay hindi talaga para sa kanya ang beauty pageant. “Siguro, nakaka-tatlong pageant na ho ako pero hindi pa rin po pwede. Ibig sabihin, huwag na ho nating ipilit,” aniya.

“Ibig sabihin po nu’n, ako po si Herlene Nicole Budol na nagsasabing ‘sorry, Pilipinas! This is my last pageant! Babay! Herlene Nicole Budol, I’m signing off,” dagdag niya.

Pagkatapos nito ay napaiyak na si Herlene.

“Nasasaktan lang po ako kasi parang totoo po lahat ‘yung sinasabi n’yo na pinipilit ko lang po talaga na sumali, na hindi ko po deserve,” aniya.

Sinabi rin ng dalaga na hindi pala raw niya kaya na magkaroon ng korona.

“Nagsusubok lang po ako na abutin ‘yung mga pangarap ko. Na magkaroon po ako ng crown at ma-represent ko po ‘yung Pilipinas, pero hindi ko po pala kaya,” she said, still crying.

Siguro nga raw ay tadhana na ang nagsasabi sa kanya na tigilan na ito at gumising sa katotohanang hindi niya kayang i-represent ang Pilipinas

 “Sana po in the future, may Tagalog na sa international para po ipagsigawan nating lahat na ako ay Pilipino at magta-Tagalog ako!” aniya pa.

Pero positibo naman ang beauty queen/comedienne na may iba pang nakalaan para sa kanya.

“Kumbaga ba sa akin, hindi po porke’t hihinto po ako sa kung ano po ‘yung nasimulan ko, eh ibig sabihin po sumuko ako. Patuloy pa rin po ang laban, baka malay niyo sa ibang journey naman po akong dalhin ng Panginoon,” she said.

Bea, may instant yayo

Kilig to the bones ang netizens sa Instagram post ni Bea Alonzo na video ng mga kaganapan sa Singapore trip nila ng fiancé na si Dominic Roque.

Nagtungo ng Singapore ang engaged couple pagkatapos ng GMA Gala 2023 para ipagdiwang ang kaarawan ni Dominic at ang kanilang engagement.

Ang pasabog ni Bea sa video ay ‘yung part na ipinagpaplantsa siya ng damit ni Dominic.

 “Our trip was short but one of the most unforgettable,” sey ni Bea sa caption.

At ang masasabi niya sa pamamalantsa ni Dominic ng damit niya, “Check out the clip where he was ironing my clothes, ganyan po sya magmahal.”

Inggit na inggit naman ang netizens at bumuhos ang papuri kay Dominic.

vuukle comment

HERLENE BUDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with