^

Pang Movies

Mga showbiz couple, naghabol sa hotel breakfast

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pasaway ang ilang showbiz couples na nag-check in sa isang hotel para doon matulog at mag-ayos para sa dinaluhang malaking event.

Eh kadalasan sa ganyang malalaking hotel, may oras ang pagkain ng breakfast lalo na kapag buffet ito.

Pero ang mga showbiz couple, ang hilig humabol sa breakfast bago ito tanggalin at ihanda ang table for lunch.

Sa kahahabol sa oras ng breakfast, aba, ang couples na ito, hindi na nagagawang mag-ayos pa. Hitsura ng bagong bangon sa kama na hindi na nakapagsuklay kapag nasa harap ng breakfast table kahit maraming taong nakakakita sa kanila!

Naku turuan ang mga artistang ito na mag-ayos muna bago bumaba ng kwarto para kumain at hindi ‘yung humahangos para makakain! Artista sila at hindi simpleng tao kaya magtitinginan ang mga tao sa kanila, huh!

PM, co-prod ni Alfred

Nagtitinda ng gagambang lumalaban ang ginagawa ng magkapatid na Konsehal Alfred at Congressman PM Vargas noong teenager pa lang para kumita.

“Pero nung nalipat kami sa isang exclusive school, naibebenta namin ang gagamba sa halagang P20 pesos pandagdag sa baon namin,” sabi ni Cong. PM nang humarap silang magkapatid sa press.

Para magkapera pa, minamasahe naman ni Alfred ang tatay niya.

“Two hundred pesos ang bigay niya sa akin pero may dagdag pa!” kuwento ng QC konsehal.

Nakaranas din ang magkapatid ng hirap lalo na nang mawala ang ina at negosyo nito.

“Kaya kailangan din naming magtrabaho para may dagdag na kita para panggastos,” sabi ni Konsehal Afred.

Eh dahil best friend nila ang isa’t isa, lagi silang nagtutulungan sa pagiging public servant. Si PM naman, nagiging co-investor sa movies na produced ni Alfred gaya ng Pieta na isinali nila sa finished product ngayong 2023 Metro Manila Film Festival.

Larawan nga ng inspiring brothers ang Vargas siblings na ang magtulungan at magmahalan ang namamayani sa kanila.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with