^

Pang Movies

Toni, na-delay ang panganganak!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Toni, na-delay ang panganganak!
Toni Gonzaga

Sa kanyang Instagram Story nitong nakaraang Martes ng gabi, July 25, ay may update si Toni Gonzaga hinggil sa kanyang pagbubuntis sa 2nd baby nila ni Paul Soriano.

Nag-upload ang TV host/actress ng larawan niya na nakahiga sa hospital bed.

“Since the start of July it’s been Home-Doctor-Home-Doctor for me…” she wrote.

Pinasalamatan niya ang kanyang mister na hindi raw siya iniwan especially sa last stretch na ito ng kanyang pagbubuntis.

“Thank you for never leaving my side in this last stretch?needed you now more than ever.  Thank you for being the best partner in this journey. Anytime now?love you @paulsoriano1017,” pahayag ni Toni.

Ni-repost naman ito ni direk Paul sa kanyang IGS din at nilagyan ng caption na “Kuya Seve and I are always here for you.”

Nire-share rin ni Alex Gonzaga ang post ng kanyang ate sa IGS at sinabing inakala raw niya na magiging Tita siya ulit last July 23, meaning muntik manganak si Toni nang petsang iyon. Sa ngayon daw ay waiting siya ang praying for her sister.

“Thought I was going to be Tata again last July 23 (laughing with tear emoji) but still waiting and praying for you sisss (praying hands emoji),” Alex wrote.

“Kayang kaya mo yan! Laban lang walang bawi,” ang mensahe pa niya kay Toni.

Sa malas ay due date na nga ni Toni anytime or baka nga as we write ay nakapanganak na siya.

Angelica, may litanya sa mga ‘di marunong mangamusta!

Sino kaya ang tinutukoy ni Angelica Panganiban sa kanyang cryptic post na hindi raw siya madalas kumustahin?

Sa kanyang IGS ay mababasa ang mild litan­ya ng aktres tungkol sa mga taong bumibisita sa kanya para lang makita ang kanyang baby at hindi man lang tinatanong kung kumusta siya.

“Hmmm... until now hindi pa rin ako madalas kamustahin ng mga fersons. All they want is to see my baby. But not really “visiting” me. Not a single text on how’s my hip injury. If I still have postpartum blues,” ang tila pagsusumbong ni Angelica.

Sa huli ay may warning pa siya na ‘wag na raw magulat kung lumalayo na loob niya.

“But nasanay naman na ako. Pero walang gulatan kung lumalayo loob ko ha?” aniya.

We wonder kung mga kaibigan niya ba sa showbiz ang “fersons” na tinutukoy ni Angelica.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with