^

Pang Movies

Mga artista bumabawi sa rampahan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga artista bumabawi sa rampahan
Heart at Chiz

Natawa ako sa mga reaction sa nakaraang GMA Gala Night. Sa gitna ng hirap ng panahon hindi pa rin napigilan ang pagsuot ng mga mahal na alahas at gowns.

Bongga dahil nga siguro bihira na ang mga ganitong party kaya talagang pinag­handaan ng mga star na dumalo.

 Hindi mo talaga puwedeng kabogin si Heart Evangelista dahil siya talaga ang stand out sa lahat. Saka iyon pagsuot niya ng alahas, walang effort bagay na bagay talaga sa kanya.

Ang ganda talaga ng face ni Marian Rivera at dagdag premium si Dingdong Dantes sa kanya.

Agaw pansin din si Barbie Forteza dahil sa mga youngstar bongga ang ayos niya.

Talagang newsmaker ang party na ito this year.

Para kasing ngayon lang ulit nagkaroon ng ganitong ka-grande na party.

Matagal din napahinga ang mga artista sa pagrampa sa mga sosyalan dahil sa natapos na pandemya.

Ngayon balik na ang lahat sa normal. Wala nang kinatatakutan ang lahat na virus kaya rampa-rampa na ulit, awra-awra na.

Kaya bumabawi ang lahat.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with