^

Pang Movies

Magandang aktres, nadiskubre ang baho sa hiniram na gown

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Hindi na raw makakaulit manghiram ng gown ang isang maganda at sikat na aktres sa isang stylist.

Aba, hindi inakala ng stylist na may itinatagong baho pala ang aktres. Literal na baho sa katawan, huh!

Nanghiram ang aktres ng gown sa kilala niyang stylist. Hindi siya nagdalawang-isip na pahiramin.

Naloka nga langa ng stylist nang ibalik ang gown. Aba, may naiwang amoy ang aktres! Hirap itong matanggal ng stylist!

Kaya sabi ng stylist, “Never again!” niyang pahihiramin ng gown ang aktres na maganda nga, hindi naman malinis sa katawan, huh!

Mula sa isang showbiz clan ang aktres!

Kiray at Kuya Kim, may kinakampanya!

Puspusan ang campaign ng Globe para manawagan sa tao na magparehistro na ng SIM kaugnay ng SIM Registration Act lalo na’t magtatapos na ang deadline sa July 25!

Kasama ng Globe sa campaign nilang Number Mo, Identity Mo ang celebs na sina Kiray Celis at Kuya Kim Atienza na kapwa biktima ng hackers!

Take note, stand-up comedians at improv artists pa ang nag-hack sa kanilang accounts, huh!

Nabisto lang ang hacking ng mga account ng dalawa nang maglabas sila ng kanya-kanyang video para ipaalam na na-hack ang kanilang accounts!

Nais iparating ng Globe at nina Kiray at Kuya Kim na, “Online identity theft is real!”

Kaya payo nila, “Everyone should take measures to protect themselves, including registering their SIMs!” Collective effort ang kailangan at hindi solitary fight!

vuukle comment

KIRAY CELIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with