^

Pang Movies

Amy, napagkamalang murderer ng mga anak!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Amy, napagkamalang murderer ng mga anak!              

Natawa naman kami sa rebelasyon ni Amy Perez na akala raw ng mga anak niya ay pinatay niya ang kanyang unang asawang si Brix Ferraris ng bandang South Border.

May tatlong anak si Tyang Amy. Ang panganay niya ay si Adi na anak niya kay Brix at ang dalawa namang sina Sean Kyle at Isaiah Joaquin ay anak niya sa asawa niya ngayong si Carlo Castillo.

Ayon kay Amy sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, dati raw ay takot na takot siya kung paano niya ipapaliwanag sa mga anak na magkaiba ang kanilang ama. “So dati ‘yun ‘yung fear ko, paano ko ie-explain na magkaiba ng tatay sila? Doon ako u­nang, ‘yun ‘yung unang struggle ko. Pero ngayon, natatawa na lang ako kasi may mga conclusion ‘yung mga bata.

“Sabi ni Isaiah, ‘Mama killed her boyfriend.’ Sabing ganu’n! So doon talaga ako natawa. Sabi ko, ‘Who? boyfriend?’” natatawang kwento ng host ng It’s Showtime.

Sabi pa raw ng anak niya, “‘I saw his name. His last name is Ferraris, and I think he’s the dad of Kuya Adi. I think you killed him, mom.’ Sabi ko ‘No! How can you say that?’

“Natatawa na lang ako ngayon kasi kino-compute na nila. Sobrang talino na ng mga bata ngayon,” sey pa ni Amy.

“Even Kyle was saying, ‘How can you have Kuya Adi when you met dad in 2006?’ So in-explain ko rin ‘yon. So I had to be honest. Noong una ‘yun ‘yung fear ko. Pero ngayon, I think lahat ‘yon magbe-break kung magiging honest ka lang,” aniya.

Sey pa ni Tyang Amy, may kanya-kanya raw speculations at ang mga bagets at ang mas nakakaaliw nga ay ginawa pa siyang murderer.

“May kaniya-kaniya silang speculation na nakakatawa. Ginawa pa akong murderer. Sabi ko ‘Hindi siya patay anak, buhay siya. Hindi nga lang mahanap natin, pero buhay siya,’” sey pa ni Amy.

Sa nasabing panayam ay inamin din ng TV host/actress na ang pinaka­matinding pagsubok na hinarap niya sa buhay ay ang relasyon nila ni Brix.

“’Yung marriage ko from my first husband ang pinaka-lowest point, pinakamahirap na natanggap ko sa buong buhay ko. Dumating ako sa time na isinurender ko na lahat kay Lord. I said, ‘Ayoko na. Wala na.’

“And that was the time na nakilala ko siya (Carlo). And I realized na kapag nagpe-pray ka pala, lahat ng mga ipinagdarasal mo, kahit na paulit-ulit mo siyang ipinagdarasal, hindi ka napapagod and you tell God, ‘Hindi ko na ito kaya bilang tao,’ you pray and ibibigay Niya,’” pahayag ni Amy.

vuukle comment

AMY PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with