^

Pang Movies

Ouch sa mahihilig mag-display... Ellen, ‘di bet irampa ang luxury bags

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ouch sa mahihilig mag-display... Ellen, �di bet irampa ang luxury bags
Ellen

May nag-agree at nag-disagree sa naging sagot ni Ellen Adarna sa pa-ask me question niya sa Instagram na kaya niya gusto si Ellen dahil she’s not into luxury things gaya sa ibang celebrity? “For me, it’s weird if I rampa and post stuff like Chanel... What for? What do I have to prove? At the end of the day what really matters is ‘Who am I without those things? Without the material things? Without the status? Who am I really,” sagot ni Ellen.

Pasaway ang ibang netizens dahil tinag ang ibang celebrity na nagpo-post ng luxury bags nila gayung wala naman itong binanggit na pangalan. Saka, tama naman ang mga dumepensa sa mga celebrity na nagpo-post ng luxury bags and other luxury stuff nila, kailangan ‘yun sa trabaho nila bilang mga influencer.

Isa pa, kanya-kanyang trip nga ‘yun at ang trip nito ay hindi trip ng ibang celebrity, kaya hayaan na natin. Hangga’t walang naaapakan at hindi naman nakakasira, go lang nang go.

Aminin natin, natutuwa tayong makakita ng luxury stuff na pino-post ng favorite celebrities natin.

Kylie, ‘buntis’ kay Ruru

May nakita kaming behind the scenes photo nina Ruru Madrid at Kylie Padilla sa taping ng Black Rider at sa isang photo na buong katawan ng dalawa ang makikita, malaki ang tiyan ni Kylie. Buntis pala ang role niya at ibig sabihin, mag-asawa sila.

Kaya pala tuwang-tuwa ang KyRu fans dahil hindi lang reunion project nila ang series, mag-asawa pa ang role nila, may kissing scene at magbubuntis pa si Kylie.

Kaya lang, tatlo raw ang leading ladies ni Ruru at isa lang si Kylie. Ang isang nababanggit na makakapareha rin ni Ruru ay si Yassi Pressman at mukhang mas may chance itong magkatotoo kesa kay Kylie Verzosa na leading lady rin daw ni Ruru.

 Sa November pa ang airing ng Black Rider na isa rin si Matteo Guidicelli sa mga bida.

LJ, may patikim sa kasal!

May pasilip na ang make-up artist na si Mikka Marcaida sa makeup at magiging looks ni LJ Reyes sa kanyang wedding at lahat ay nagustuhan ang ginawa ni Mikka kay LJ. Halos walang makeup si LJ sa photos, pero labas na labas ang ganda nito. “Glossy and glassy for our bride to be” ang caption ni Mikka sa kanyang post na ipinag-react ng mga kaibigan ni LJ.

Si Chynna Ortaleza nga, napa-comment ng “whaaa!!! Bakit iiyak na ako,” at sabi naman nina Andrea Torres at Isabel Oli-Prats, “Ang ganda.”

Sayang lang at hindi makakadalo ang mga kaibigan niya sa kasal nito kay Philip Evangelista dahil sa New York gaganapin Mag-abang na lang tayo ng update from Nice Print Photo na siyang kinuha ng mga ikakasal to cover their wedding.

Ang ganda sigurong tingnan na habang naglalakad sa aisle si LJ, kasama niya ang mga anak na sina Aki at Summer.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with