^

Pang Movies

Claudine, ayaw bumaba sa level ng sexy star na si Sabrina na ‘ginagamit’ si Rico Yan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Claudine, ayaw bumaba sa level ng sexy star na si Sabrina na �ginagamit� si Rico Yan!
Claudine

Pinaubaya na ni Claudine Barretto sa kaibigang lawyer na si Atty. Ferdie Topacio ang magiging hakbang nito kaugnay ng rebelasyon ng dating sexy star na si Sabrina M sa yumaong aktor na si Rico Yan.

“Nananahimik na ako. Iningatan ko ang pangalan ko at ni Rico. Si Atty. Ferdie na ang bahala tungkol dyan. I won’t stoop down to her level. Hindi ko siya kilala,” pahayag ni Claudine sa kaibigang co-host naming sa Marites Unversity na si JhaiHo.

Ang balita namin, isang letter of apology ang hihilingin ni Atty. Ferdie kay Sabrina habang ang Claudinians ni Claudine ay may hakbang ding pinaplano.

Samantala, nakakita ng kakampi si Claudine sa isa pang dating sexy star na si Katrina Paula na pinabulaanan ang pahayag ni Sabrina kaugnay ng relasyon nila ni Rico.

Naku naman, matagal nang patay ang tao at hindi na siya makakapagsalita kaya patahimikin na si Rico!

Ruru, iiwan na si Lolong?!

Bigatin ang cast ng coming GMA News and Public Affairs action-drama na Black Rider na pagbibidahan ni Ruru Madrid!

Ito rin ang unang TV series ni Matteo Guidicelli sa GMA na matagal na ring hindi umarte on screen.

Pinaghalo ang senior at baguhang stars sa series. Kasama sa cast sina Rio Locsin, Raymart Santiago, Zoren Legaspi, Roi Vinzon, Gladys Reyes at Raymond Bagatsing.

Ang junior stars naman ay sina Katrina Halili, Empoy, Janus del Prado, Jayson Gainza, Rainier Castillo at iba pa.

With Black Rider, burado na ba ang part 2 ng adventures serye na Lolong na pinagbidahan ni Ruru?

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with