^

Pang Movies

Alwyn, nahihiya sa anak nila ni Jennica

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alwyn, nahihiya sa anak nila ni Jennica
Alwyn at mga anak

Ibinahagi ni Alwyn Uytingco ang kanyang birthday greeting para sa bunsong anak nila ni Jennica Garcia na si Alessi.

Nag-five years old na ang anak nila noong June 24.

Sa IG story na ipinost ni Alwyn, makikita ang mga anak nilang sina Mori at Alessi kasama ang kanilang daddy Alwyn sa litrato na may cake.

Caption ng aktor, “Happy Birthday Alessi! Wish ko sana matupad ang pangarap mong maging chef/engineer/mekaniko/horse tamer/mermaid/mural artist/astronaut… Mahal ka ni Tatay.”

Mayroon din itong isa pang post kung saan ibinahagi niya ang video na sinorpresa ang anak na si Alessi.

Nakakaaliw naman ang caption nito kung saan binigyan niya ito ng gadget bilang surprise gift.“Is it an iPad? Sa pagkaka-english ni Alessi, parang nahiya ako magbigay ng sketchbook at Crayola 24 pcs,” caption ni Alwyn sa kanyang story.

Sa video ay maririnig na nagsasalita ang mga anak at mga Inglesera ang mga ito. Lutang naman ang excitement sa anak nang makita ang regalo niya.

Unang lumabas ang isyu ng hiwalayan nila noong May 2021 pero noong October ng nasabing taon din ay sinubukan ng aktor na makipagbalikan sa anak ni Jean Garcia pero tila hindi na nga nila naayos ang relasyon. Mukhang nagkakasundo naman ang dating mag-asawa sa kanilang co-parenting setup.  Bongga.

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with