^

Pang Movies

Mikael at Megan, ‘di nape-pressure magkaanak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mikael at Megan, �di nape-pressure magkaanak
Mikael Daez at Megan Young

Interesadong malaman ng  netizens kung may plano pa raw sina Mikael Daez at Megan Young kung kailan sila magkakaanak, dahil ilang taon na rin silang kasal, pero hindi pa sila binibiyayaan ng baby?  Ayon sa mag-asawa, hindi naman sila napi-pressure kapag may nagtatanong sa kanila. “Alam naman namin na kung bibigyan na kami ng anak, darating din iyon sa tamang panahon,” sabi pa ni Megan. “Hindi naman nilalagyan ng date ang tungkol sa pagbubuntis, darating iyon kung talagang ipagkakaloob na siya sa amin ni Mikael.”

Rayver, napuri sa Miss Manila

First time ni Kapuso Heartthrob Rayver Cruz na mag-host ng isang beauty pageant na ang nakasama niya ay si Miss Universe Catriona Gray, sa Miss Manila beauty pageant, na napanood GMA Network last Sunday morning, June 25, bago ang All-Out Sundays.

Nag-trending nga sa Twitter si Rayver at puring-puri siya ng fans. Hindi naman kataka-taka na humusay na siyang mag-host dahil tatlong taon na rin siyang nag-host, with Julie Anne San Jose, ng The Clash sa GMA 7, at one of the hosts ng All-Out Sundays, bukod pa sa isang mahusay rin siyang actor.

Sa July 27 ay mapapanood na rin si Rayver with Julie Anne San Jose, sa first movie team-up nila, ang The Cheating Game na first movie offering naman ng GMA Public Affairs.

Tirso, ‘di nagkukunwari

Nakakatuwa namang malaman na sinusubaybayan gabi-gabi ng netizens ang mystery murder series na Royal Blood sa GMA Telebabad at sila-sila ang naghuhulaan kung sino ba sa mga anak ni Gustavo Royales, played by multi-awarded actor na si Tirso Cruz III, ang papatay sa kanya? Sino kaya kina Dingdong Dantes, Mikael Daez, Rhian Ramos at Lianne Valentin ang may motibo na patayin siya?

Natanong namin si Pip tungkol dito at natatawa niyang sagot: “Hindi ko pa rin alam.  Akala ko nga tapos na ako ng taping, pero may schedule pa rin pala ako. Marami pa palang mahahalagang flashback na connected sa kung sino talaga ang pumatay sa akin. In a way maganda ang ginawa nila, kasi hindi kami umaarte na hindi namin alam, kasi hindi talaga namin alam. Mahirap kasing umarte na alam mo na pala then magkukunwari kang hindi mo alam. Ang huhusay pa naman ng mga kasama ko rito sa serye.”

Ang Royal Blood ay napapanood gabi-gabi, 8:50 p.m., pagkatapos ng Voltes V: Legacy sa GMA 7.

vuukle comment

MIKAEL DAEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with