^

Pang Movies

Liza, starlet ang level sa Hollywood!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Liza, starlet ang level sa Hollywood!
Liza

“Nuestra Senora de Parada,” narinig na naman namin ang tukso at kantiyaw na iyan na noon ay pinatutungkol nila sa isang high political figure, pero ngayon ay sa star na si Liza Soberano na puwede na rin ngayong tawaging starlet dahil ngayong nag-aambisyon siyang mag-Hollywood, back to zero ang kanyang career at hanggang wala siyang napapatunayan kahit na papaano sa bago niyang tinatahak na career mananatili siyang isang starlet kumbaga.

Kaya naman siya tinawag na Nuestra Senora de Parada, panay ang display niya sa mga red carpet premiere at kung anu-ano pang okasyon na hindi naman siya kasali. Audience lang siya roon pero panay ang display. Kaya wala pa siyang pwedeng ipagmalaki.

Quiapo… at V5, salpukan

Matindi raw ang ginagawang promo ngayon ng Batang Quiapo nang magsimula ang Voltes V: Legacy.

Kung sabagay ang kalaban nila ay hindi lang isang malakas na show, iyan ay isang institusyon sa anime.

Bidang-bida si Miguel Tanfelix bilang si Steve Armstrong sa Voltes V : Legacy. Tiyak na pagkatapos ng Voltes V iba na ang dating niyan.

Papaano kung gawin naman niya ang TV remake ng Baby Ama at iba pang hits ni Rudy Fernandez, tiyak may laban iyan, dahil gaya ni Rudy, poging action star din ang dating ni Miguel.

Dapat sugalan si Miguel. Pwedeng maging another Coco Martin na tulad ni Coco ay hindi gaanong katangkaran pero mas cute itong si Miguel.

Sana lang ituloy nila ang mga project ni Miguel.

Matteo, nakaiwas sa kontrobersya

Sigurado na si Matteo Guidicelli na magiging Kapuso.

Ngayong araw siya pipirma ng kontrata.

 Hindi mo na masasabing maling isda ang kanilang nabingwit.

Simula nang pakasal siya kay Sarah Geronimo, hindi na siya napanood ng regular sa TV bagama’t paminsan-minsan ay napanood siya sa nawalang noontime show sa TV5 na Lunch Out Loud (LOL).

Saka siguro nagpalamig muna sila sa controversy na nilikha ng kanilang kasal at pagkakasapak niya sa driver / bodyguard ni Sarah noong magsumbong iyon kay Mommy Divine tungkol sa lihim na kasal.

Ano man ang sabihin ninyo, nakuha ni Mommy Divine ang simpatiya ng mga tao dahil isipin mo, nanay paglilihiman mo ng kasal mo? Kung si Sarah nga naapektuhan eh lalo na si Matteo.

Kung nabingit nila si Matteo pagkatapos sana noong seryeng Bagani, kung saan lumutang siya dahil mas pogi siya at mas mukhang warrior kaysa kay Enrique Gil, masasabi ngang jackpot iyan.

Ano kayang gagawin ni Matteo ngayon?

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with