^

Pang Movies

Sanya, feeling sis-in-law na ni Barbie!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sanya, feeling sis-in-law na ni Barbie!               
Sanya

Matagal na raw tanggap ni Sanya Lopez na magiging future sister-in-law niya si Barbie Forteza. Bago pa raw nagkaroon ng relasyon sila Barbie at ang kuya niyang si Jak Roberto, una niyang naging kaibigan si Barbie noong magkasama sila sa teleserye na The Half Sisters noong 2014.

“Si Barbie, nakilala ko na siya before my brother. Naging best friend ko si Barbie sa The Half Sisters, which was ‘yung naging support ako ni Barbie roon tapos doon pa lang sila nagkakilala ni kuya pero hindi pa sila gano’n ka-close.

“Si Barbie, nakita ko na siya as talagang masayahing tao, mahusay na artista, alam naman natin ‘yan. Ang importante talaga sa akin ay ‘yung mahal ‘yung kapatid ko at masaya sila pareho. Kung mahal nila ang isa’t isa at masaya sila sa isa’t isa, of course, payag ako,” sey ni Sanya.

Dasal ni Sanya na wala sanang manira sa magandang relasyon nila. Kahit na raw tinatambal sa ibang aktor ngayon si Barbie, very supportive raw si Jak sa career ng girlfriend nito.

Dating heartthrob Matthew Mendoza, bubuhayin ang career

Nagbabalik-showbiz ang former Viva heartthrob na si Matthew Mendoza dahil natapos na ang kanyang third term bilang city councilor ng Puerto Prinsesa, Palawan noong June 2022. Pagkatapos ng siyam na taon bilang public servant, panahon na raw na balikan niya ang pag-arte ulit.

Inamin ni Matt na marami siyang na-miss sa showbiz noong naging busy siya bilang konsehal. Mabuti na lang daw at updated siya sa mga nangyayaring bago sa showbiz.

“Kahit nag lie-low ako sa showbiz for a few years, updated naman ako through social media. I’m active on Facebook kaya familiar ako sa mga bagong artista ngayon at pati na dun sa mga kasabayan ko noon who are doing father and mother roles now. Ilang beses na rin akong gumanap na tatay sa mga teleserye kaya nakaka-relate tayo,” sey ni Matt na suportado ng kanyang pamilya ang muling pagbalik nito sa showbiz.

Huling napanood si Matthew sa 2018 sa teleserye na Wild Flower ng ABS-CBN. Bago iyon ay lumabas siya sa Destined To Be Yours (2017), Kapag Puso’y Sinugatan (2013), Angelito: Batang Ama (2012), Sinner Or Saint (2011), Alakdana (2011), Imortal (2010), Dyosa (2008) at Daisy Siyete (2008).
Naging prime leading man ng Viva Films noong ‘90s si Matthew sa mga pelikulang Dysebel, Sabado Nights, Nag-iisang Ikaw, Nang Iniwan Mo Ako at Ikaw Naman Ang Iiyak.

Ilan sa mga nakasabay ni Matt sa showbiz tulad nina Jay Manalo, Jao Mapa, Mark Anthony Fernandez at Joko Diaz ay tumatanggap ng sexy roles na pinapalabas sa streaming platform na Vivamax. Payag ba niyang sumabay sa mga ito?

“I’m 51 now and I play roles na kaya kong gawin. When I was with Viva in 1996, may limitations na ako noon pa. Hindi ako bagay sa mga sexy movies, eh. I will leave those roles sa mga actor na kayang gawin iyon. Okey na sa akin ang mga role na tatay or any famous character in Philippine history. Puwede ko rin naman subukan ang maging kontrabida para maiba lang.”

Ed Sheeran, panalo ulit sa kaso

Nanalo si Ed Sheeran sa kinaso sa kanya na pag-plagiarize sa song ni Marvin Gaye na Let’s Get It On na ginamit daw niya sa 2014 hit na Thinking Out Loud.

Napatunayan ng British pop star na sinulat niyang independently ang kanyang song at wala siyang ninakaw na melody or an lyrics.

Ang nag-file ng lawsuit ay ang heirs ng co-writer ni Gaye na si Ed Townsend. Habol nila ang share of profits sa royalty ng song ni Sheeran.

Sa witness stand ay tumugtog ng gitara si Sheeran bilang ebidensya niya sa civil trial. Ayon sa defense team ng singer: “There are dozens if not hundreds of songs that predate and postdate. Gaye’s song utilized the same or similar chord progression.”

Ayon din sa musicologist na ang four-chord sequence ay ginagamit na sa maraming songs bago pa lumabas ang song ni Gaye noong 1973.

Ito ang second time na dinepensahan ni Sheeran ang kanyang song. Una niyang napanalunan ang lawsuit laban sa kanyang song na Shape Of You dahil sa copyright nito.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with