^

Pang Movies

Glaiza, naka-20 years na sa showbiz!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Glaiza, naka-20 years na sa showbiz!             
Glaiza

May 20 years na pala sa showiz ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro. Hindi nga raw inakala ni Glaiza na tatagal siya ng dalawang dekada sa showbiz at ang hangad niyang makatulong noon sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagpasok sa showbiz ay natupad niya.

Nagsimula si Glaiza noong 2001 sa pelikulang Cool Dudes 24/7. Muntik na raw siyang hindi mapasama sa movie dahil late siyang dumating sa audition nito sa Regal Films office. “Thankful ako kay Direk Ruel Bayani kasi kung hindi niya ako pinagbigyan na mag-audition, malamang wala ako ngayon sa showbiz. Late na kasi naming natanggap ‘yung message tungkol sa audition. Naawa na lang sa akin si Direk Ruel kasi nandoon na kami kaya pinayagan niya akong mag-audition,” pagbalik-tanaw ni Glaiza.

Sa buong cast ng Cool Dudes, si Glaiza ang hindi inaasahan na tatagal sa showbiz. ‘Yung ibang kasama sa cast tulad nina Cogie Domingo, Angeline Aguilar, Jemalene Estrada at Danilo Barrios ay hindi nagtagal sa showbiz. Kasama rin sa cast si James Blanco na paminsan-minsan lang lumabas sa TV ngayon.

Dahil ang hinangad noon ni Glaiza ay ang makatulong sa kanyang pamilya at hindi ang sumikat, bumuhos ang blessings sa kanya at ngayon ay masasabi niyang kumportable na ang buhay ng kanyang pamilya. “’Yung wish ko noon na mabigyan ang pamilya ko ng magandang buhay, nagawa ko iyon at hanggang ngayon, kahit na may asawa na tayo, tuloy pa rin ang pagtulong ko sa kanila,” sey ni Glaiza na muling mapapanood sa GMA Afternoon Prime via The Seed Of Love kung saan kasama niya sina Mike Tan at Valerie Concepcion.

Bruce at Allen, tuloy ang pagpapaborta

Kapwa na nagpapaganda ng katawan ngayong summer ang Sparkle young actors na sina Bruce Roeland at Allen Ansay.

Si Bruce ay noong magkaroon ng quaran­tine noong 2020 nagsimula ng kanyang workout. Kaya three years after, batak na batak na ang katawan nito. Pero kulang pa raw ang resulta kaya patuloy ang pagpapaborta niya. “Hindi pa ito ‘yung final product. Pero ang masa-suggest ko. Kailangan mong maging consis­tent, kailangan talaga gustuhin, kailangan maging dedicated. Hindi lang ‘yan sa pagdyi-gym, kasama din ang diet. Ang sinasabi ko lagi 70% diet at 30% gym. Kailangan talaga sipagan mo ‘yan, ‘yung ginawa ko nung pandemic,” sey ni Bruce na mukhang tatapatan sa ganda ng katawan si Prince Clemente, ang boyfriend ng kanyang dating ka-loveteam na si Althea Ablan.

Si Allen naman ay aminadong nagpapalaki ng katawan para sa kanyang ka-loveteam na si Sofia Pablo. Sa pinost niyang video sa Instagram, makikitang magbubuhat ito ng weights at nagpe-flex ng kanyang muscles.

Noong January pa raw sinimulan ni Allen ang mag-workout. Inamin niya noon na kulang sa laman ang kanyang katawan kahit na matangkad siya. Gusto niyang magkaroon ng abs at maging fit lalo na kapag may mga mall shows sila ni Sofia.

Kakatapos lang pala ng taping nina Allen at Sofia ng digital series nila para sa GMA Public ­Affairs titled In My Dreams.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with