^

Pang Movies

Sofia, rumampang mag-isa sa Singapore

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sofia, rumampang mag-isa sa Singapore
Sofia Pablo

Simple lang ang naging celebration ng Sparkle teen star Sofia Pablo when she turned 17 last April 10.

Nagkaroon ng isang stylish photoshoot si Sofia kung saan all-white ang theme.

Ang kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay ay binati siya at niyaya siya para sa isang special date.

Imbes na magkaroon ng malaking party, lumipad si Sofia to Singapore bilang regalo para sa kanyang sarili.

Sa mga post ni Sofia sa IG, makikitang rumarampa siya sa famous Madame Tussauds wax museum at sa Chinatown Street Market ng Singapore.

Mapapanood soon ang loveteam nina Sofia at Allen na AlFia or Team Jolly sa bagong digital series ng GMA Public Affairs titled In My Dreams.

Hollywood actor Jack Nicholson, nagpakita sa balcony

Dalawang taon na hindi nakikita ng kanyang mga kaibigan at pamilya ang veteran Hollywood actor na si Jack Nicholson.

Balitang nagkukulong na lang daw ang 85-year old three-time Oscar winner sa kanyang mansion sa Mulholland Drive compound in Beverly Hills.

Nitong nakaraang April 13 ay nagkaroon ng sighting sa award-winning actor. Nakita siyang lumabas sa balcony ng kanyang bedroom na magulo ang buhok at suot ay orange shirt at lounge pants.

Ayon sa nakakita sa aktor, mukhang disoriented ito at hindi alam ang kanyang ginagawa. Wala raw kasama ang aktor sa kanyang mansion.

Huling nakita in public si Jack ay noong 2021 sa laro ng LA Lakers. Matagal na rin siyang hindi guma­gawa ng pelikula. Huli pa niyang ginawa ay How Do You Know? in 2010.

Pinabulaanan ng anak ng aktor na may sakit ito na dementia. Maayos pa rin daw ang pag-iisip nito. Naging recluse na raw ito at ayaw na nitong makihalubilo sa maraming tao.

Martin at Liezel, tatlong taong nagsakripisyo

Parehong natuwa sina Martin del Rosario at Liezel Lopez nang ibigay sa kanila ang roles na Prince Zardoz at Zandra sa Voltes V: Legacy.

Kahit na raw mabigat ang costumes, wigs at horns na kailangan nilang isuot, kakaiba raw ang feeling kapag nasa set na sila ng VVL.

“Three years din kaming nagsama-sama sa taping. Mahigpit pa ‘yung safety protocols noong magsimula dahil sa pandemic. But we were always praying na matapos namin itong show kasi history-making ito para sa aming lahat na kasama sa show. I still can’t believe na tapos na kami at ipapalabas na siya,” sey ni Martin.

Si Liezel naman ay nakagawa pa ng dalawang teleserye kahit na na-cast na siya sa VVL.

“Yes I was able to do Babawiin Ko Ang Lahat and Return To Paradise. Pareho pang lock-in tapings iyon. But they allowed me na rumaket sa ibang shows. Natuwa naman ako kasi sayang din ‘yun ‘di ba?”

Sa April 18 ang red carpet premiere ng Voltes V: Legacy The Cinematic Experience sa SM North The Block Cinema 3.

vuukle comment

SOFIA

SPARKLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with