^

Pang Movies

Andrea at Kira, nag-uunahan sa Dyesebel?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Andrea at Kira, nag-uunahan sa Dyesebel?!
Andrea Brillantes at Kira Balinger

May nangyayaring argumento sa fans nina Andrea Brillantes at Kira Balinger.

Ito ay matapos sabihin ni Kira na dream role niya ang Dyesebel.

Nauna na raw itong nai-promise kay Andrea.

At mas bagay raw ito kay Andrea.

Sinabi nga ni Kira na ang Dyesebel ang super dream role niya kahit daw hindi naman siya mukhang nagbi-beach dahil sa flawless skin niya.

Pero ayaw ngang pumayag ng fans ni Andrea.

Samantala, emosyonal si LA Santos sa story confe­rence ng pelikulang Maple Leaf Dreams na pagbibidahan nila ni Kira Balinger.

Bukod sa lead role ang gagampanan niya, sa Canada pa sila magso-shooting at very relevant ang story tungkol sa dalawang kabataan na nakikipaglaban sa magandang buhay kaya tutuparin ang mga pangarap sa bansang Canada.

Kaya naman talagang grateful and thankful ang actor na siya ang napili sa pelikula na ididirek ni Benedict Mique.

“Mina-manifest ko lang talaga po ito noon saka very close to my heart din po. Saka ito na po buhay ko kaya I’m really excited, and scared and very driven right now na ibigay ko ‘yung best ko kasi ito na po ‘yung chance ko kaya very exciting kung ano kalalabasan po,” sabi ni LA nang maka-chika namin after the story conference days ago.

Isang bagsak lang ba pagpunta n’yo sa Canada para sa shooting nito?

“Isang punta lang po. Kasi mag-i-stay po yata kami do’n for eight to nine days po.

“Sa Canada po, I think eight to nine shooting days po, dito po sa Pinas, mga dalawa or tatlo.”

Sa Darna sila nagkatrabaho nina Kira at Direk Benedict.

So type niya ang may ka-loveteam, si Kira if ever?

“Kasi may loveteam po na talagang masarap panoorin saka may loveteam na nakakatuwa. May mga iba naman kahit walang loveteam, sobrang nakakatuwa pa rin naman at masarap panoorin at the same time. Para sa akin, it’s more on sa artista mismo talaga po ‘yon. Loveteam man o hindi, nasa artista na po siya.”

Kamusta naman si Jane de Leon na super ate ang turing niya?

“Miss ko na po siya, si Jane. ‘Di ba ‘yung mom niya kahapon, pinost niya may sakit po ngayon. Praying for her, ‘yung sa mommy niya talaga. Saka nakausap ko lang po siya nung nakaraan, kinamusta ko po ‘yung sa mom niya. I think ‘yun po ‘yung pinagdadaanan po niya. Saka si Jane po parang naging ate-ate ko na, kapatid ko na rin po talaga si Jane, saka I’m really proud na… ‘yung mga naabot niya na po ngayon. Excited na po ako kung anong susunod niya. Ako hindi ko pa po alam pero nakaka-excite na nga po,” aniya tungkol sa aktres na naging crush niya noon.

Anong project mo sa TV after ng Darna?

“Ito po kakagawa ko lang po ng Love Bites po, sa YouTube channel po siya ng ABS. Excited po akong makita ‘yon kasi season 2 na po ‘yun. Saka ‘yung mga story po real life stories po siya, galing sa mga tao po.”

 

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

KIRA BALINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with