^

Pang Movies

Ara, nabiktima ng beauty queen!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ara, nabiktima ng beauty queen!
Ara

Nakaranas din ng pambabastos sa kasamang artista si Ara Mina noong kasagsagan ng paggawa niya ng movies.

Isang beauty queen ang taong ito na pinasok ang showbiz.

Kasama ni Ara sa isang tent ang beauty queen na hindi na rin niya matandaan ang name. “Nilalagyan ako ng makeup that time. Eh daan siya nang daan sa harap ko ng ilang beses at nakikita niya nilalagyan ako ng makeup.

“Eh dahil hindi ko siya masyadong kilala, nagsabi ako sa handler ko ng ginagawa niya. A few minutes, heto at nagso-sorry na.

“Pero hindi rin siya nagtagal sa projects kasi tinanggal din siya dahil sa ugali niyang hindi rin pala maganda!” kuwento ni Ara nang maging guest namin sa Maritess University podcast na isa ako sa mga host.

Sa ngayon, puno pa rin ng trabaho sa movies si Ara na nagugulat sa mabilisang shooting ng movies.

Tapos na siya ng shooting ng pelikulang Litrato at magsisimula siya ng pelikulang Poon with Janice de Belen at Lotlot de Leon.

“Pero gusto ko namang gumagawa ng rom-com dahil ito palang ang hindi ko nagawa. Kung puwede, si Piolo Pascual ang bagay na kapareha ko,” saad pa ni Ara may lifestyle show sa Net25 na ang title ay Magandang Ara!

Alfred, pinag-aaralan kung papasok sa MMFF!

Tinitimbang ni Konsehal Alfred Vargas na ang ginagawang movie na Pieta ay puwedeng maging entry sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December.

Imagine kasama niya sa movie sina Nora Aunor, Gina Alajar, Jaclyn Jose, Bembol Roco at Ina Raymundo. Award winning lahat!

“Eh inaalam ko pa kung sakto sa criteria ng MMFF ang movie. Siyempre gusto ko rin dahil ‘yung December filmfest dahil pinanood nga ng mga tao sa sinehan.

“We’ll see! Basta happy ako sa nakita kong rushes ng movie kung saan dahil dito, nakatanggap ako ng ilang scripts para sa coming project na gusto ko gawin,” sabi ni Konsehal Afred nang aming makausap.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with